Sarah Geronimo, madalas mangutang sa mga kaibigan?!

HINDI NA TALAGA maililihim pa ang relasyong Robin Padilla at Mariel Rodriguez, kung saan kamakailan sa birthday ni Queenie, anak ni Robin kay Liezel Sicangco, ay obvious na may relasyon ang dalawa.

Ngayon daw ay nagagawa nang maglinya ng I love You si Mariel kay Robin, kung san ay buong giting namang gustung-gusto ng aktor.

“Hindi man sila umamin, sila na talaga dahil halata naman si Robin kapag in love.” Isang daang porsiyentong patapos na sinabi ng aming source na hindi siya magkakamali sa pagkukumpirma na totohanan na ng relasyong Mariel at Robin.

HANGGANG NGAYON PALA ay matindi pa rin ang sama ng loob ni JC de Vera sa dating kasintahang si Rhian Ramos na bukod sa itinanggi na siya ay nagawa pa nitong i-two-timer siya.

Isang moral lesson kay JC ang ginawa sa kanya ni Rhian na sabi nga aktor ay never niyang makakalimutan ang dalaga, dahil minsan isang panahon ay nagpakatanga siya sa isang bagay na alam naman niya sa simula’t simula pa lang ay wala siyang mapapala kundi sama ng loob.

Samantala, hindi na rin bago pa sa ilang guys na na-link kay Rhian ang ginawa ng aktres kay JC, dahil maging sila ay biktima ng aktres.

“Makakahanap din ‘yan ng magpapaiyak sa kanya,” mariing sabi iyon ng aming source.

MARAMI ANG NAAAWA kay Sarah Geronimo dahil madalas ay nagungutang lang ito sa kanyang mga kaibigan kapag may ‘di inaasahang gastusin. Like minsang magkayayaan ang kanyang grupo na kumain sa isang restaurant, dahil walang pera ang dalaga ay nangutang ito sa mga kaibigan.

“Alam mo, hindi na tama ang ginagawa ng mga magulang ni Sarah sa kanya. Dapat sana, kahit pa’no ay binibigyan nila ng allowance ‘yung bata. Kasi paminsan-minsan ay may mga biglang gastusin, kaya ang nagyayari tuloy ay nagmumukhang kawawa si Sarah,” sabi sa amin ng isang malapit sa dalaga.

Samantala, may nagbulong sa amin na muntik na palang maglayas si Sarah sa kanilang bahay noon dahil pakiramdam ng dalaga ay masyadong sakal na siya sa leeg ng kanyang mga magulang. Ni katiting nga raw na kaluwagan ay hindi man lang naranasan ng dalaga.

Sa aminin man o hindi ni Sarah hanggang ngayon, mahal pa rin niya si Rayver Cruz. Hindi lang niya magawang maipaglaban ang nararamdaman sa binata, dahil malaki ang takot nito sa kanyang mga magulang lalo na sa kanyang ina na si Mommy Divine.

More Luck
by Morly Alinio

loading...

31 thoughts on “Sarah Geronimo, madalas mangutang sa mga kaibigan?!

  1. naku totoo yan nablind item pa nga yan si rachelle ann go pa nagbayad nung binili nya kasi $100 lang ung binigay ng nanay nya pang shopping kamusta naman un!

  2. ayy wag kayo maniwala dito kay morly na to i anti- sarah to…kung nanonood kayo ng juicy mkkita niyo na anti-sarah siya pati si pete na bakla rin ,,,,sinungaling walang basehan ang kanyang kwento ekek mo lang morly….d mo naman alam kung ano talaga ang relasyon ng pamilya gumagawa k lng ng kwento….hello? d mo b nkkita o nbbalitaan ngshashopping nanonood ng sine si sarah pati mga frens nya sa greenbelt? OA ang kwento,,,bkit nilangaw b ang hating kaptid? box-office hit ata masakit lng tanggapin ng mga galit kay sarah….shinatics prang wala kng nanay at kapaid na babae,bt san k b nanggaling sa nota?….

  3. totoo yan..sabi nga nila dati…na pag US daw sila sa tour nya..iniiwan si sarah sa hotel tas ung mag asawa tumatakas at nagshoshoping.lolz..meron nagsb nyan noon.

  4. PUTA KA DIVINE pati sariling anak pinagkakaitan mo. kung magtago ka ng pera para namang ikaw ang nagpakahirap kumita.

    kahit gaano ka pa kayaman ngayon mukha ka pa ring ATSAY!

  5. Nako gimmick at publicity lang iyan ni sarah na villar girl pati ni judy ann na Ms. System lost. mga ulol they would never good as there were before and speaking of her mom… nako… talagang matapobre iyan based on my mother’s encounters sa states… well tignan natin kung kikita ang pelikula nila like what they did before!!!

  6. sa totoo lang annoying na yung ganitong issue kay sarah, though we want to commend her for being a devoted daughter, hindi na tama yung umabot sa ganyang situation, sarap sampalin ni sarah at ng mommy nya ng matauhan naman

  7. noong last year nandito sa US si sarah with billy crawford, mark bautista nd chalie green. they made an apperance sa isang filipino owned restaurant super bait ng mga bata at ng daddy ni sarah pero ang nanay nya nakasimangot the whole time. nakatayo ako sa likd ng nanay nya habang nag pictorial sila sa sarha with the fans i tried to say hi to her mom she just lloked at me and didn’t even say anything. Tapos umalis agad sya at naghintay na lang sya sa Car outside. super suplada,masungit at matapobre akala mo kung sino eh palamunin lang naman ni sarah!!

  8. witchcraft: kung yan ang sinasabi mo hay naku,siguro isang malaking publicity nanaman ito, kasi napakaimposible ng ganyan eh!

  9. ang nagpapasasa pati ay mga kapatid ni Sara. Kasi lahat ng gusto ng mga kapatid niya ay ibinibigay ni Divine. Si Sara lang ang hinihigpitan dahil takot na mawala ang breadwinner nila. Sana ay matuto ng umalma si Sara. Mga kapatid daw niya ay malayang nakakapunta kung saan saan samantalang si Sara ang kinakawawa

  10. so-bee-it: Si sarah ang naghirap sa lahat ng perang nakamit nya ngayon bakit magulang nya ang mag bibigay ng allowance sa kanya?? sila ang magreregulate?? wow! they are really bull shit. pucha, di ko ata matanggap na ako ang nagpagod sa pera ko tapos iba ang kokontrol? mahal na kung mahal ko ang mga magulang ko, pero bilang isang tao magkaron ka dapat ng sariling prinsipyo. basta again, minahal mo sila, at lagi mo silang mamahalin, pero hindi tama na panghimasukan pa nila ang iyong sariling buhay lalu na kung nasa tamang edad ka, nanjan sila para magpayo di para mag command. its in the bible. if they are really christians.

    • Korek ka dyan at agree ako sa iyo; ang point ko eh tutal pinababayaan niya na ang kanyang mga parents ang magtago ng kanyang pinagpaguran at sigurado naman ako na dinidiposito nila un sa bangko, sana man lang ay magkaroon siya ng boses na sabihin niya sa mga magulang nya na kailangan rin niya na meron siyang pocket money/allowance para sa kanyang mga pangangailangan dahil isa siyang artista. Need i say more? :-)

  11. I really dont understand her situation. Una, she is old enough, 2nd, SINO ba ang kumakayod para maibigay ni Sarah ang needs ng kanyang family di ba si Sarah mismo? Artista sya, natural binabayaran, at bawat sentimong ibinabayad sa kanya ay bunga ng kanyang pagpapagod. Sya, sya at sya lang ang nagpagod ng lahat ng yun, natural nanjan dapat ang pamilya nya para suportahan sana sya at di para gawing robot! Damn, seriously I AM SO MAD on what’s going on with her life. Kung ako yan bakit ako papayag na kontrolin ako ng magulang ko? may ginawa ba akong masama? kasama naman sila sa lahat ng pangarap ko, binibigay ko sa kanila lahat ng gusto nila dahil tutal kaya naman, nirerespeto ko sila bilang magulang, sana lang Sarah, kung ang mga bagay na yan ay di maintindihan ng magulang mo ikaw na mismo ang gumawa ng paraan para maintindihan nila ito. Sa kahit naong paraan basta alam mo na wala kang ginawang masama sa kanila, nirespeto, minahal mo sila at dapat alam nila yun at higit sa lahat HINDI KA NA BATA! seriously and legally based, ITS YOUR MONEY! No one shall take over or get hold of your money, even family members, it should be up to you na kung papayagan mo sila like you’re giving them the rights to make pakialam of your money since you’re already within the age of being mature, certainly and legally. cmon, ang magulang dapat nagsisilbing inspirasyon at nagpapakita ng pagmamahal sa kanilang mga anak but i dont think so na ganyan ang parents ni Sarah. And I really dont understand kung bakit kailangan pang may makapuna na mali ito, unless na na may hidden agenda ang mga magulang nya. or maybe, this is one of the most oldest Filipino manners, na wala namang idinudulot na mabuti. pinoy nga naman….hayyy

  12. gimik lang yan ng mag ina kc nga mukhang pera may pinikula kaya nag iingay gusto lang ng atensyon simula kc ng mag endorse yang sarah nayan nalaman ng tao na hindi lang ina nya ang mukha pera kaya yan nag papaawa na naman ngayon kc nabawasan ang mga fans nya

    • nabawasan ang fans???san mo namang survey nakuha yan aber????im sure isa kang bayarang tao ng mga wazknowing na mga artista…oh well!!!

  13. Sobrang ganid ang ABS-CBN mgnt kapag ibinalik uli ninyo si HAMBOG WILLIE REVILLAME. At sana DELICADEZA na lang dahil si CORY AQUINO (RIP) ang nagsauli ng ABS-CBN sa mga LOPEZ kaya may utang na loob ang mga LOPEZ sa FAMILIA AQUINO, tapos yang HUDAS na si WILLIE REVILLAME ay kinalaban pa si KRIS at binastos pa si CORY nung funeral cortege nya. At hindi lang yon, patay-na-patay sa pag-endorse si WILLIE CHEATER (doble-cara 2/0) kay MANNY VILLARROYO last election. Mahiya naman kayo mga LOPEZ noh, hindi maibibigay sa inyo ni WILLIE ang utang-na-loob ninyo sa mga AQUINO. Tandaan nyo yan!!!
    see: Ang daming galit kay Hambog —-
    http://www.petitiononline.com/mod_perl/signed.cgi?badwilly&1

  14. Parang hindi naman kapanipaniwala ito. Kung pinapalabas ito para mabalik yung amor ng tao kay Sarah, bilib ako sa parents nya na willing lumabas na masama.

    • to begin with, walang amor na nawala…kung sa tingin mo may mga taong nawalan ng amor kay sarah, then let me tell you, d sila nagkaroon ng amor for sarah since time immemorial…

      • hindi rin…iba iba ang level ng amor ng mga tao sa isang artista, gaya mo, obviously avid fan ka which is ok naman at swerte ang artistang susuportahan mo. but meron din na slight lang ang amor sa isang artista at yung ang sinasabi ko na nawalan ng gana sa idol mo.

  15. kung tototo i2 nkakaawa nman si sarah. sya ang ngpapakapgod s kung ano mang meron cla ngaun tapos alang sriling pera n pang gimik man lng. sana alam nman ng mga magulang nya kung hanggang san cla dpat mangialam… sana d tlaga i2 totoo!

  16. kung totoo ang balitang ito kay sarah. sobra naman yun hinihigpitan na nga sa pakikipag bf pati ba naman kinikita nya hihigpitan pa, eh pinaghirapan nya yon?

  17. Di ba nasa hustong gulang na si sarah? Kung totoo man ang tsismis na ito, bakit niya hinahayaan na kontrolin ng kanyang mga parents ang kanyang pinagpaguran? Dapat sila (magulang) na ang magkusa na bigyan si sarah ng allowance para hindi magmukhang kawawa ang anak nila.

Leave a Reply

Your email address will not be published.