SARAH GERONIMO, KABADO SA TAMBALAN NILA NI GERALD ANDERSON

NAGSIMULA NANG GUMILING ang mga kamera para sa unang pagtatambal sa pelikula nina Popstar Princess Sarah Geronimo at Action Drama Prince Gerald Anderson under Star Cinema. Binisita kamakailan ng The Buzz ang dalawa sa set ng kanilang shooting.

Inamin ni Sarah na may konting kaba sa kanyang dibdib na baka hindi kagatin ng ‘Kimeralds’ ang kanilang first team-up ni Gerald, but she’s praying that everything will turn out well. But Sarah has nothing to worry about because Gerald gave the assurance that Kimeralds are very supportive.

“Salamat talaga sa mga Kimeralds na nand’yan pa rin dahil pumupunta sila sa taping ko, sa taping ni Kim (Chiu), kahit ‘di kami magkasama. Nakikita ko ‘yong suporta na binibigay nila sa amin and sobra akong thankful,” Gerald enthused.

Pressured nga ba sina Sarah at Gerald na parehong galing sa successful team-ups?

“Lahat kami kinakabahan. Coming from two successful movies with John Lloyd (Cruz), ‘di maiiwasan ‘yong comparison, pero sabi ko nga, ‘di namin mai-enjoy ito kung iisipin namin ‘yong pressure,” paliwanag ni Sarah.

Dagdag pa ni Gerald, “Iba sila ni Kim. They are very good on what they do and I’m very blessed dahil si Kim nakasama ko at ngayon si Sarah naman. Napakabait niya, tahimik lang din, very professional siya. Kahit anong proyekto may pressure, pero ‘yon ang challenge sa amin. Tsina-challenge kami ng pressure para ilabas namin ‘yong galing namin.”

Actually, the movie is a great opportunity for Sarah and Gerald to be paired with other stars para mas lalo pang lumawak ang kanilang karanasan sa pag-arte. ‘Ika nga, dapat matikman ng mga manonood ang iba’t ibang putahe na kaya nilang ihanda para hindi sila pagsawaan ng mga ito balang araw.

Kung may tamis sa mga love stories, dapat may alat naman sa mga tearjerkers, may anghang sa mga confrontation scenes, at may pait ng paghihiganti sa mga action scenes.

Kapwa busy sina Sarah at Gerald ngayon, pero may puwang pa ba ang pag-ibig sa kanilang buhay? Gerald was once linked with Bea Alonzo who is said to be dating Zanjoe Marudo now.

Sinabi ni Gerald that both he and Bea have decided to be friends. Aniya, “2010 pa ‘yon at ngayon 2011 na, kaya nagmo-move on na kami.”

Hindi naman daw nagkakailangan sa set sina Sarah at Matteo Guidicelli na da-ting na-link sa aktres. Matteo plays her other leading man on the film.

Sinabi ni Sarah na nagkaroon daw sila ng bonding session. “Nakapag-heart to heart talk na kaming tatlo, so walang ilangan. Nakita ko sa kanilang dalawa na gentlemen sila pareho.”

Ayon naman kay Matteo, “I am very comfortable to work with her. She’s very nice, very caring, very generous. Sobrang saya po! Dream ko po talaga na makatrabaho siya.”

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

9 thoughts on “SARAH GERONIMO, KABADO SA TAMBALAN NILA NI GERALD ANDERSON

  1. Pingback: Time ticks for OFWs in cash-strapped Saipan | Spinner News

  2. sana matuloy ang movie ni

    BEA ALONSO-RAFAEL ROSEL-RCHARD GUTTIEREZ soon,,

    PIOLO-MARIAN RIVERA

    DINGDONG DNATES-KRSI AQUINO-KRISTIN HERMOSA-NORA AUNOR soon,,

  3. ganda naman,,bago at fresh tandem,,casting,,MATEO GUDECELI-SARA GERONIMO-GERALD ANDERSON,..wow na wo,,love it!!,.sana naman,,challenging ang roles,,at interesting ang movies,,o baka naman,,galing na naman sa kanta ang title ng movie,,knowing starcinema,,cheap mga movie nito,,amininnnnnnnnnnnnnnnnnnnn

  4. naku…may bago na namang bubuhusan ng asido ang mga kimerald nyan,kawawa naman si sarah,magkaka death threat panigurado yan,good luck na lang sarah!

    • e bakit naman,,,work lang naman ito,,alangan namang sila sila o ulit ulit nalang sila,,,walang growth,,,kung yung mga fans ni ge at kim na mga immatured at highschool,lang ang iisipin mo,,wlang mangyayari sa pagiging actor nila,,let them work wid others,,ganda nga e,,SARA-GERALD-MATEO,diba…

      • naku teh,para namang hindi mo alam na ang sinumang napapartner kina kim at gerald ay pinagbabantaan ng kimerald,tulad na lang ni bea at piolita,sana lang maging maganda ang turn out ng movie nila! Ok rin na mapartner sila sa ibang actors para magkaroon sila ng versatility,suportahan na lang ng fans…

  5. SIGURADO FLOP NA NAMAN YAN! HINDI NA NADALA ANG EBS-LBM! MGA LAOS NA ARTISTA NYO! LALO NA YANG UNGGOY NA GAYRALD ANDERSON NA YAN,PWE!

  6. Pingback: Tweets that mention SARAH GERONIMO, KABADO SA TAMBALAN NILA NI GERALD ANDERSON | Pinoy Parazzi -- Topsy.com

Leave a Reply

Your email address will not be published.