Sarah Geronimo, itinangging sinibak ng ina ang kanyang stylist!

HINDI NAHIRAPAN ang Cherry Mobile na kunin si Sarah Geronimo as the face of Cherry Mobile’s multi-media phones endorser. Malakas ang charisma sa publiko. Gustong-gusto siya ng masa because she can sing and dance and at the same time, she’s an actress, kumikita ang kanyang mga pelikula at may sarili siyang show, Sarah G Live!. Bago pa lang mag-concert ang Pop Princess ay nakuha na nila ito. One year contract including commercial for TV. Ang kailangan lang, ‘yung availability ng dalaga para mai-shoot, ayon kay Ms. Leah Esperanza C. Lopez (Cherry Mobile Corporate Communications & CSR Manager).

Bukod kay Sarah, endorser din ng Cherry Mobile sina Robin Padilla, Anne Curtis, Kim Chiu and John Lloyd Cruz. Hindi kaya tinanggap lang ng singer-actress ito dahil may movie sila together ni Lloydie? “Siguro advantage na rin ‘yung pagkakataon na may pelikula kami and at the same time ‘yung pagiging endorser ko rito sa Cherry Mobile,” sagot ng dalaga.

Maganda ang kasuotan ni Sarah G. nang duma-ting ito sa presscon. Napagtuunan namin, tinanong ng press ang dalaga kung si Mommy Divine ang bago niya ngayong stylist? “Mommy ko po ang bumili nito (casual wear). Hahaha! Madalas po siya ang bumibili ng damit ko. Wala po akong tiyagang bumili ng damit,” say ng Pop Princess.

Tinanong  din si Sarah tungkol sa issue na si Mommy Divine ang nagpatanggal kay Jing Moris as personal stylist ng kanyang anak. “Ah, isang mala-king miscommunication po, mahal ko po ‘yung taong ‘yun. Habang-buhay ko pong tatanawin na utang na loob. Hinding-hindi po mawawala ‘yun at never po namin gagawin, ng pamilya namin, lalung-lalo na kami ng nanay ko na magpapa-ban ng tao. Sino po ba kami na powerful na tao para magpa-ban ng mga stylist. Mahal po namin sila, hindi po totoo. Hindi ko po alam kung saan nanggaling ‘yung ganu’n na pina-ban sila,sobra. Hindi po namin magagawa ‘yun. Sabi ko nga, misunderstanding at mis-communication ang nangyari. Sana maupuan namin para mapag-usapan itong issue na ito,” paliwanag ni Sarah G.

Anong reaction ni Mommy Divine na nadawit na naman ang pangalan niya sa issue at siya ang tinuturong dahilan? “Siyempre masakit nu’ng nabasa ko. Ako, never kong i-expect na magkakaganoon. Out of nowhere naging ganu’n, anong nangyari? Bakit nangyari ito? Pero as long na hindi totoo at malinis ang konsensiya namin ng buong pamilya, walang dapat ikabahala. Kailangang personal na makapag-usap-usap para maayos ‘yung friendship na mayroon kami,” malumanay na sabi ng dalaga.

Comment ni Sarah tungkol sa mga issue ibinabato sa kanyang ina. “Siyempre po masakit na makita ko ‘yung mommy ko na… hindi na rin niya pinapakita sa akin… ayaw ko na pong magbigay ng detalye basta po maayos,” paiwas na sabi nito.

Kumusta na kayo ni Gerald Anderson, tuloy ba ‘yung movie ninyo together? “Okay naman po, wala pa pong confirmation from Viva. Pag-uusapan pa po, titingnan natin. Puwede po bang huwag muna nating pag-usapan siya. Hindi ko muna masasa-got sa ngayon po,” pakiusap na tugon niya.

Kailan lang, nagbigay ng pahayag si Gerald tungkol sa kanila ni Sarah. Ayon sa binata, hindi niya alam kung saan patungo ang kanilang relationship ng dalaga. Kung sakaling dumating ‘yung time na ready na si Sarah na maging sila, gusto ng actor maging private ang kanilang personal life. Comment? “Basta okay naman ang lahat, ayaw ko na lang pag-usapan pa,” sagot ni Sarah na halata mong hanggang pigil ang pagsasalita dahil nakabantay sa kanya si Mommy Divine. Pakiramdam ng press, may kirot pa ring nararamdaman ang Pop Princess sa naudlot nilang pag-iibigan ng guwapong actor. Kahit gustong bigyang laya ni Sarah ang pagmamahal niya kay Gerald ay hindi niya magawa. Nananaig kasi ang pagmamahal nito sa pamilya.

Ikinuwento na lang ni Sarah na nakapag-shooting na sila ni Lloydie ng pelikula under Star Cinema and Viva Films. “Nag-start kaming mag-shooting April 2, tapos na-stop ‘yun dahil ginawa niya ang “The Mistress” with Bea (Alonzo). Kahapon nag-shooting kami, masaya sa set. Masaya si Lloydie, maganda ang aura niya. Sana matuloy ‘yung ilang eksenang kukunan sa amin ni Lloydie sa New York ni Direk Cathy Garcia-Molina,” aniya.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

32 thoughts on “Sarah Geronimo, itinangging sinibak ng ina ang kanyang stylist!

  1. I think that the stylist is telling the truth because Sarah said in her interview that it was miscommunication between her mom and the stylist. But I don’t think people should bad mouth Divine because Sarah chooses to follow her mom.

  2. Napanood ko si Sarah sa The Buzz. Itinanggi niya na tinanggal nila ang stylist niya dahil pro-Gerald ito. Nakakatingin pa si Sarah ng derecho sa kamera habang itinatanggi ang lahat. Pero, ang stylist, umamin na na talagang ipinatanggal siya. There is no love lost for the stylist. Ang mga celebrities na customer ng stylist ay katulad nina Dawn Zulueta at Piolo Pascual . Hala ka Sarah. Baka ma blacklist ka sa mga sikat na stylist na ito. Ang laki pa naman ng utang na loob mo sa kanila dahil pinagmukha ka nilang presentable.

  3. korek, wala png kaseryosohan ang tipo ni gerald, sana d na lng nya niligawan c sarah,ang galing lng nya sa mga interview, dapat ung mga nililigawan nya ung mga babaeng easy lng ung madaling bitbitin, KIM AND SARAH dont deserve him, enjoy na muna nya kabataan nya naku maraming babae pa ang dadaan sa buhay nya, pero might as well itago na lng nya kung gusto pa nya ang career nya, wala pa sya sa level ni john lloyd na kayang dalhin ang career kahit may lovelife, limited lng ang platform na kaya nyang galawan, umarte at mg basketball lng

    • tama ng dahil ky BUDOY na yan c SArah n nman ngaun ang nagiging masama grabe tlga ABS -CBN galing manira ng artista nila tama n mga issue ky SArah pls lang wala nman katuturan

  4. and bata pa tung si gerard, gwapo at asa kapusukan pa, magsasawa rin to ke sarah. kung kay kim nga eh.

    so ok lang to na sumunod sa parents nya.

    • hoy bka ikaw ang sinungaling mag-basa k ng YES Magazine inamin nman ng isang stylist na ndi cila tinanggal ng mommy ni Sarah yung isang stylist lng ngpupu-milit na tinanggal daw cia malamang ngpapa-bayad yun..kala mo nman kung cnu ka makapag-sabi ng ganyan ky Sarah 

  5. Experto na si Sarah sa pagtakip ng mga kapalpakan ng mommy niya to a point na she is now a congenital liar. Nakakapagsinungaling na siya na nakakatingin ng derecho sa camera.

    • Mommy ni  sarah ang sisira sa kanya, naway di sya matulad sa iba na tumanda dahil sa kasusunod sa magulang, paglate na kung kanino na lang magpapaanak kasi late, wake up girl, payamanin mo pa ang mommy divine mo, di ka gaano kagandahan, kadalasan nakakamukha ka ni imelda papin

    • bka ikaw po ang LIAR magbasa muna bago mag-husga at sna nabasa mo ung s yes mag,,ok??? SINUNGALING ba KAMO? eh i IKAW UN  

  6. points to ponder: 1. powerful ka, may sarili ka ngang show eh 2. pagtakpan ang ina, bow 3. pagtakpan ang ina ulet, pero si naka-move on na si gerald syo at meron na syang atenistang gf, bow.

  7. Alam nyo kung pagiging sinungaling ang ipagtanggol ang pamilya esp ang magulang at protektahan ang ina.. siguro mas gusto ko nang maging sinungaling kesa maging ingrata… nakakabagabag ang mga tao ngayon. Parang mas accepted pag nagrebelde ka at sinuway mo ang magulang mo, kesa ang maging mabuting anak sa pamilya. Nasan na ang values ng mga tao ngayon? Nakakaawa ang next generation kung ganito ang mga nababasa nilang pananaw ng ibang tao.

    • alam mo tama ka…ewan ko ba kung bakit may mga tao talaga na hindi ko maintindihan ang pananaw sa buhay..ano bang masama kung sinusunod ni Sarah ang parents niya, at anong KASINUNGALINGAN ang pinagsasabi ng mga taong to? kung tutuusin lahat naman tayo walang alam sa buhay nila diba? basta kasi may pumutok na tsismis lalo na kung negative, bintang binta talaga sa mga pinoy..pero kung positive naman, ayon kasinungalingan na raw..ewan ko sa inyo..bahala kayo kung anong paniniwalaan niyo..,may mga isip naman kayo eh…

      • hay naku mga gurls, cla cla mga taong galit ky Sarah kasi nga nman c SARAH mayaman, sikat, talented wla na halos mai-pintas ky Sarah kya nanay nya laging tinit-tira kawawa namn c mommy divine, hay naku basta aq SARAH parin aq kasi love q  cia

  8. ,,yun din nakita ko kay sarah,,,sa  mga mata pa lang niya,,halatang di siya masaya esp. dun sa presscon,well it’s her  choice na sundin nanay niya,,,pero im sure mas masasaktan si sarah,,,pag dumating ang time na makikita niya na may iba nang mahal si gerald pero,,,sabagay wala rin namang makapagsabi sa magiging futurE natin…malay natin,,baka sila pa rin pala ni gerald in the end…

  9. you know what guys, being submissive to her parents was her choice. i dont think that no one has the right to condemn her. That’s the way she wants to live and so be it. Why would people condemn her if she chose to obey her parent. Im sure everyone of us has the choice on how we live our life. If we choose to be independent and act on our free will, good for us. She wanted to be an obedient daughter, then good for her. You people get a life. it seems that all of you basher of sarah g devotes your time to belittle and say bad things about her. the world is big, why dont just explore it rather than throw stone to people who doesnt did any harm to you. she’s not a criminal to be condemned

    • yeah i believe everything is a choice. she chose to be under her mother’s restriction,so let it be.but the question is, is she happy about it? based on her gestures and facial expressions.she is not happy..every sunday nlng puro paharing kay gerald..so syempre iisipin talaga ng fans , ay parang hindi 100% nasiyahan cia sa desisyon nya…at yung iyak nya with her parents, makikita mo talaga ang pain…well thats life.sana panindigan nlng nya kasy choice nya yun.

  10. Kung mahal nu si sarah..hwag nu na munang suportahan
    At nang matuto namn ang mga taong nag mamanipulate sa kNya
    Na mabgyang laya namn sya at mabuhay ng normal…ksi sa totoo lng
    Nakakaumay na syang tignan..kawawa lng si.Ge,lumalabas na s
    Manloloko,at kahit sinong lalaki ang mauugnay sa knya..ganyan dn
    Angkahihinatnan..kaya,dapat magpahing muna yan sa pagiging
    Importante..d nna magndang ppanoorin..,parating my pasaring kang maririnig
    Sa kanya..siguro,dalng dala na nga ang kampo ni ge sa kanys,aya yyan nilalayo
    Muna nila si ge,which is good for ge,habng maagapn,lumayo na sarah
    Ksi siguradong kahit maging kayo,naku..magiging kawawa kka 
    Sa pamilya nnyan,lalot kahit si sarah mismo,ay d magawang 
    Maipagtanggol ang kanyang sarili..si ge pa..iiwanan kka lng ddin
    Ni ssarah sa ere…o,hwag nang mmasyadong oa sa pag rereact
    Ha..kng mahal nu yan..isipin nu kng gaano kalungkt buhay nnyan nngayon….

    • lulubog na yan sa ginagawa ni divine, matanda na yan si sarah, parang pbb teens pa rin pag umarte,halata naman mahal nya ang lalaki, pero nagtitiis, kakahiya di naman marunong manindigan, nakakbuwisit na panoorin, akala yata ng magulang pbb teens pa anak nila, haay tama na yan, its your choice, kaya magtiis ka ka kung ano ginagawa ng mommy mo, nakakairita na, tama si ogie diaz, sana magising na si sarah, magising na si divine at magising na ang abs at viva, kahit sinong lalaki di tatagal sa ginagawa ng mommy nya, tandaan mo divine di kagandahan ang anak mo, sa edad nyang yan, akala mo trese anyos lang yan para bakuran mo, money money sarah are you happy?

    • Sa totoo lng..tama ka..maning mani na nnya ang 
      Pag sisinungaling..tsk tsk…
      Kng minsan nga naiisip ko na ginagamit lng nila yan 
      Para lng sa image nyan..dami namng nauuto..minsan sumuporta
      Dn ako dyan,pro dna muna ngayn..
      Tignan nu namn mukha nya ngayon
      Parang nanay nya nna…good move yan kk gge,layuan mo ns lng
      Ang mala kultong pamilya ng babaeng yan…

      • Sobra naman mag comment ang isang ito. Wala na tayong pakialam kung gusto niya ang sumunod sa magulang at kung maka Gerald ka wag ka ng magsalita ng laban kay Sarah suportahan mo na lang ang idolo mo. Kasi ang hirap sa atin pati na personal na buhay ng mga iniidolo natin ay ating sinisilip. Hayaan sila sa kanilang personal na buhay at suportahan na lang angkani kanilang mga talent pero para sa akin wala talent si Gerald Anderson kasi kahuit hanggang ngayon ay di sya makawala sa paigiging BUDOY nya!!!!

      • asus ng-salita mga perpekto palibhasa kasi laki ng INSECURITY nio ky Sarah kasi nga nman kau hanggang jan nlng kau ang maging BITTER

      • rainbow connection dreams! hindi pa nga matapos tapos ang walang katapusang sequel na Laida at Miggy na sobrang baduy ang story, ngayon nagilusyon na naman sila kay Gerald. jesus! the sequek queen! buti sana kung maganda ang storya ng mga movies nya, e hindi sobrang baduy. kawawa lang si JLC from being the best actor palagi an lang hinihila ng mga walang kwentang pacute. 24 at 28 na pacute pa rin. ibaigay na yan sa mga tunay na bagets, hindi yung trying hard maging bagets.

Leave a Reply

Your email address will not be published.