Sarah Geronimo is being used by Camarines Sur governor’s son fo the latter’s political ambition?

OLA CHIKKA NOW na!!! Oh, no… oh, yes… now na!!! Nakakalokang Monday na naman at don’t make your Monday a blue Monday. Talagang dapat ay bonggang-bonggang eksena na naman at paniguradong marami na naman ang magagalit o matutuwa sa akin. Hahaha!

Ano ba naman kasing eksena ‘to, na talaga namang ayaw ko raw tantanan si Sarah Geronimo. Eh, ano naman? Siya ang laging ichinichika sa akin ng kaparazzi at nagpapakatotoo lang naman ako. Pero mas nawindang ako sa isyu na ito na si L-Ray Villafuerte, ang governor ng Camarines Sur na ang junakis niyang si Miguel ay nanliligaw kay Sarah.

Ano naman kaya ang eksena? Sa tingin naman kaya nila ay sasagutin siya ni Sarah? Eh, for sure naman siguro ay ginagamit lang siya nito. Kasi naman, ito palang si Gov. L-Ray, ayaw na pala ulit tumakbo. Iyon nga raw ang pinag-aawayan ng mag-ama, at ito palang anak na si Luis ang pinatatakbong gobernador.

Kaya siguro naisip niyang ligawan si Sa-rah, at feeling ko lang, para gamitin niya ito. Hahaha! Para mapansin! Nakakawindang, ‘di ba? Hahaha! Ikaw na! Ano kaya sa tingin n’yo mga kaparazzi?

AT HETO NAMAN ang isang Amanda Coling na bali-balita talagang na-rape ito. Pero ano naman kaya ang eksena nito, ‘di ba? Naiisip ko lang kasi, pa’no kaya maniniwala ang mga tao kung wala naman tayong makikitang ebidensiya. Puro naririnig ko ay ‘no comment’ na lang.

Pa’no naman kaya natin malalaman ang eksena kung puro no comment na lang ang mga eksena? Haha! ‘Di ba? Kalurki!

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino naman kaya itong aktor na ito at sikat na TV host na talaga namang sa iba na lang nahuhumaling, sa mga bisyo na nga lang niya?

Para kasing wala nang dating ang dyowa niya ngayon. Pero ano ba talaga ang eksena nilang dalawa? Sa tingin ko, mukhang nambababae pa itong ombre na ito, dahil napakaguwapo niya. Hahaha!

KAYA KUNG AKO sa inyo, para sa more chikka… more fun, makinig kayo palagi sa programa ko kasama ko si Lady Camille ang aking anak sa DWSS1494khz 11:30 hanggang 12:00 nn at every Sunday sa DZRH666khz 2:30 to 3:30 pm… ayan ha? Siyempre hindi mawawala ang PINOY PARAZZI LIVE tuwing Biyernes sa internet.

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articleNabahurang programa?
Next articleTinanggal dahil sa cost-cutting

No posts to display