Sarah Geronimo, inaabangan na ng Siyete?!

SIPAT: BAKIT daw ‘MISSING IN ACTION’ si SARAH GERONIMO sa ASAP XV?
EKLAT: TAPOS na kasi ang KONTRATA niya. INCREASE sa TALENT FEE, HINIHINTAY pa!

SIPAT: Uy, nasa AMERIKA ang POP PRINCESS/ BOX-OFFICE QUEEN at nagko-CONCERT!
EKLAT: …habang NAGHIHINTAY ng INCREASE sa kanyang TALENT FEE.

SIPAT: NAKAABANG daw ang SIYETE kapag HINDI NAIBIGAY ang INCREASE kay SARAH. DODOBLEHIN pa raw nila!
EKLAT: ABANG na lang nang ABANG, KAPUSO!

SIPAT: NALULUGI na raw ang TV5?
EKLAT: WALANG KOMERSYAL plus WALANG STAR POWER… BAD COMBO!

SIPAT: EPEKTIB ang PRESS RELEASE ni RICHARD GOMEZ na LILIPAT siya sa SINGKO.
EKLAT: KUMAHOG ang SIYETE na BIGYAN siya ng PROJECT!

SIPAT: Yehey! MAGKAKAROON na rin daw ng RAKET si IZA CALZADO sa GMA-7!
EKLAT: ‘Ganda ng PRESS RELEASE!

SIPAT: SAYANG naman kasi kung HINDI MABIBIGYAN ng PROJECT si IZA.
EKLAT: MAGANDA at may TALENT naman siya… WALA nga lang KAMAG-ANAK na TV EXEC!

SIPAT: Ang PUHUNAN sa SHOWBIZ: TALENT at GANDA…
EKLAT: Saka TIYAHIN na TV EXEC na… TALENT MANAGER pa!

SIPAT: Teka, PA’NO si JOVIT BALDIVINO? NAKALUSOT siya, huh!
EKLAT: ‘Di IDAGDAG na rin ‘yung ‘MAHIRAP-LANG-EK’… at SAHUGAN pa ng SIOMAI. SWAK na!

SIPAT: ‘WAG na sanang IINTERBYU pa itong si JOVIT.
EKLAT: MAHUSAY lang siya talagang KUMANTA!

SIPAT: Tsk. ‘SHAKY’ ang MARRIED LIFE ni KRIS AQUINO.
EKLAT: KULANG yata sa LAMBING si JAMES YAP!

SIPAT: VERY SUPPORTIVE lang si TETAY sa KUYA P-NOY niya…
EKLAT: Kaya INUUMPISAHAN na niya ang PAGBABAWAS ng NEGA sa BUHAY niya!

Sipat Eklat
by Papa Azzi
Pinoy Parazzi News Service

loading...

One thought on “Sarah Geronimo, inaabangan na ng Siyete?!

  1. Pasingit po… Ref. Vice Ganda :
    On 1 Jul 2010 sa Showtime, masyadong unfair ginawa ni Vice Ganda sa Davao Crew, imagine he gave undserving 06, other judges 10’s, one is 9, all with excellent remarks. Obvious na magaling Davao crew. Nashock talaga lahat. taga Davao pa naman na ang layo trip. Yong taga Iloilo Crew pinanalo niya, puro kasi bakla at Vegas dances kuno, mababa scoring binigay ng other judges, kay vice perfect 10 score. Binaboy talaga ni vice taga Davao on that day. Everybody upset to the max. Wake up ABS CBN management, isa pang papunta sa ugali ni Willie Revillame, na masyadong mayabang, ipokreta, walang modo. Galit ata siya sa taga Davao, namemersonal. The lowest score so far sa Showtime, 05…and you know..taga Davao Oriental crew, 15 June 2010 ata yon. Lumalabas tunay na ugali ni Bisyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.