Sarah Geronimo, ginamit lang ni Rayver Cruz?!

NAALALA PA NAMIN ang komento ng isang kontrobersiyal pero magaling na aktres tungkol sa isang guwapong baguhang aktor na produkto ng isang reality show, “Nananakit na ang mga palad ko sa kasasampal sa kanya, pero wala pa rin siyang reaction, para pa rin siyang tuod!”

Dagdag pa ng aktres, “Sana, huwag na lang nilang pilitin ‘yung tao, kung hindi naman talaga siya para sa showbiz, pauwiin na lang siya sa probinsiya nila, mangisda na lang siya, malawak naman ang dagat!”

‘Yun ang gabing nag-aksaya ng negatibo ang produksiyon, nangawit ang panga ng assistant director sa kapapaliwanag sa baguhang aktor kung ano ang dapat niyang iarte sa eksenang ginagawa nila ng aktres, pero talagang walang mailabas ang bagitong aktor.

Inip na ang aktres, naghihikab na ito sa sobrang pagkabagot, pero hindi pa rin makuha-kuha ng baguhang aktor kung ano ang emosyon na dapat niyang ilabas sa eksenang ginagawa nila ng aktres.

Sabi ng aming source, “Kundi pa nagalit ‘yung AD, kundi pa siya pinagtaasan ng boses dahil pati ang ibang mga artista, e, halatadong nabubuwisit na sa delay ng taping, hindi pa niya makukuha ang gustong ipagawa sa kanya.

“Pero nu’ng ipalabas na ang episode, halatadong may kulang pa rin sa kanya, totoo ang sabi ni ____(pangalang ng kontrobersiyal na aktres) na para siyang tuod na nakatayo lang at walang emosyon!

“Kasi naman, ipinipilit pa, e! Kung wala talagang talent, wala, bibihira lang ang mga artistang walang alam sa pag-arte sa una, pero gumagaling dahil sa workshop.

“Itong isang ito, matinding workshop na ang pinagdaanan niya, pero wala pa ring makangkong na talent sa kanya ang mga direktor! Grabe ang kabanuan niyang umarte, guwapo lang talaga siya!” Naiinis pang kuwento ng aming impormante.

Sayang, maganda pa naman ang apelyidong dala-dala ng baguhang aktor na ito, alias ‘yun ng isang beteranong action star.

MARAMING TAGAHANGA NI Rayver Cruz ang tumatawag sa amin ngayon para iparating ang kanilang sama ng loob sa mga tagahanga ni Sarah Geronimo. Diretsong tinawag na user ng kampo ni Sarah ang guwapong young actor, kunwari pa raw ay si Sarah ang sinasabi niyang crush, pero ang totoo naman ay sila ni Melissa Ricks ang nagkaigihan.

User daw si Rayver, ginagamit lang daw niya si Sarah para sumikat siya, paratang pa ng mga tagahanga ni Sarah.

Gusto lang naming mag-rewind. Sa pagkakatanda namin, hindi kay Rayver nag-ugat ang crush-crush issue na ‘yan. Ang totoo, kay Sarah nanggaling ang mga pahiwatig na crush nito si Rayver. Kahit kailan ay hindi naman ‘yun ginamit na bentahe ng batang aktor.

Kapag may nagtatanong sa kanya kung ano ang masasabi niya na isang sikat na singer-actress ang may crush sa kanya, ngiti lang naman ang isinasagot ng binata. Hindi niya ‘yun sinasakyan para sa kanyang sariling interes.

Hindi kailangan ni Rayver Cruz ng kahit sinong artista para lang siya magkapangalan. Dati nang kilala ang binata, dahil meron naman siyang talentong puhunan kung saanman siya nandu’n ngayon.

Hindi nga ba’t madalas naming sabihin na magiging superstar ang binatang ito? Tamang panahon lang ang kailangan niyang hintayin. Isang matinding proyekto lang ang kailangan niyang pagbidahan na magiging matagumpay sa takilya at makakapantay na rin niya ang estadong ipinagmamalaki ng mga tagahanga ni Sarah.

Sana’y masuheto ni Sarah ang mga tagahanga nitong sumosobra na sa paghusga. Sayang naman ang pinaghirapan at pinag-iingatang career ng dalaga kung sisirain lang ‘yun ng mga taong walang malasakit sa kanya.

Masakit ang patutsada ng mga ito kay Rayver Cruz. Para bang wala nang magandang nagawa ang binata sa maraming taon ng kanyang pamamalagi sa showbiz.

Kapag ganyan nang ganyan ang mga tagahanga ni Sarah Geronimo, madadamay ang dalaga sa inis ng marami sa kanyang mga tagasuporta. Nakalulungkot naman ‘yun kapag nangyari dahil wala namang alam ang singer-actress sa mga nangyayari.

Cristy Per Minute
by Cristy Fermin

loading...

25 thoughts on “Sarah Geronimo, ginamit lang ni Rayver Cruz?!

  1. Parang anak tlaga ang turing ni tita Cristy kay Rayver!
    Salamat po sa pagtatanggol…
    Mabait na tao si Ray at kelan man wala tayong narinig na na-involve siya kung ano mang hindi magandang gawain.
    Very humble, polite, hard-working and I certainly believe that he’ll eventually make a name for his own using the many talents that he has.

    Go Rayver!!!!

  2. oooii sarah wag kana umasa na maymabubuong magandang samahan sa inyo ni john llyod kc hindi ka nya type. . . . ksi balat anyo ka lng..!! napipil nya yun.

  3. oi pra svhin qo sa inyo nagsusumikap c rayver at kahit kaylan wla cyang ginamit na tao in short hindi nya ginamit c sarah g. kapal ng mukha nyoooo. kakarmahin din ang mga taong mapanghusga. at matagal na kilala c rayver cruz khit ndi pa ito nadidikit kay sarah o.a. hahaha
    at c sarah lang namn naglabas ng pangalang ni rayver ha kapal ng mukha nyo. yun mga naninira jan kay rayver ha tumigil na. at yan idoL nyo may araw na din bumagsak dahil natatakpan na siya ng kasikatan ni charice. at matatapakan nlang siya ni charice pagdating ng araw. hahaha

  4. Ayan! ang napapala! kc RAYVER magsumikap ka! huwag asa ng asa sa ibang tao para sumikat….hahahaha!!!!

  5. kawawa nman si Rayver nasabihan pa 2uloy ng manggagamit dhil lang kay Geronimo eh sa pagkakaalam ko namn si Geronimo talaga may Crush sa Kanya.ni di man lang magsalita si Geronimo para linawin ang issue.hahah.palibahasa ang ABS masyadong proected kay Geronimo Kailangan mging Whole some lagi ang dating lol!!.bat pa ksi pinipigilan ang dalawa kung gusto na nya magka-BF eh di hayaan na.sus.’wag ng ipilit si JLC ksi di sya type.!!.

  6. hahaha ikaw yun bakulaw penny ‘ PENNY ‘

    yuck! kadiri ka cguro kmukha mo c bakekang

    nyahaha… kasi ganyan na ganyan siya manglait eh

    hahaha

  7. ang oa nyoh
    kla nyoh kung cno kau mkapanglait
    kahit kelan nga ndi nga nabanggit ni rayver yun pangal ni sarah sa pag interview sa kanya eh

  8. Wasn’t Sarah the one that said she has a crush on a tall ASAP dancer? I did not see Rayver mention Sarah’s name in any of his interviews, so it may not be fair to the young kid to be called a user. Sarah’s promoter may want to review all of these issues before they come out of the press.
    Otherwise, it may look like Sarah is the user. Sayang naman kung pagkamalan pa si Sarah na user dahil sa konting hindi paglilinaw nang nasabing issue.

  9. at pano naman naging sikat si rayver aber? Sa spirit na one of those lang cia? Sa anime nga noon si john wayne ang sikat noh! At walang katalent talent yang si rayver kunwasri pa raw di ginagamit si sarah pero naman nung nalaman na baka cia yung crush ni sarah, may i request agad na makaduet nya sa bday nya. Pwede ba noh sinong linlangin ng rayver na ito? USER ka talaga!

  10. fyi matagal ng alam ng ibang writers na meron crush c sarah k rayver pero tahimik lang c rayver kahit matagal na niyang alam na meron gusto c sarah sa kanya

  11. WOW tAHimIk CYA sA LuMALAbAS n TSisMIz Kay RAYVER. AnO Un??? wLA syAng aLm sa CNAsbi NG mGA FANS NYA??
    O Gus2ng gUS2 nya mAriniG na Gnam8 cYa ni Rayver..!!

  12. SARAH GERONIMO mukha msaya kna ngaun ha? dhiL alm m na cnasbi ng mga fans mo na c rayver ay user. prang cnasbi nLa sumickat c rayver dhil napapadkit cya sau. oi patahimikin mo yan mga fans moh.

  13. wag mong pancnin yun mga tao nagsasbi sau ng USER. kc khit ndi kpa dumidikit kay sarah g ay sikat kna cmula sa spirit at hanggang ngaun. kakayanin mo yan BRO.

  14. pra svhin ko sa inyo ndi user c rayver cruz dahil c sarah g. lng nman nag sbi na crush nya c rayver cruz. hindi nga nagsasalita jan c rayver kung may gus2 cya kay sarah. oi sarah g. pgilan mo nga yan mga fans moh. ikw ang nag open na gus2 mo c rayver cruz kya svhin mo ndi ka gnamit ni rayver. magsalita ka.. kc matagal ng kilala c rayver khit ndi pa cya dumidikit sau.

  15. whatever…..bkit nmn nasali s usapin c marian?
    kulang s sustansya utak mo
    pakidagdgan ng gumana ng mganda….dnmn ksali s article pilit mong cnsali
    kya nag uumpisa ang gulo eh…kaw tlga
    pkatino k nga….baka……

  16. walag cnabing name c sarah s lhat ng pas interview nya sbi nya lng ksamahan nya s asap. cristy gumagawa ka na nman ny issue pra my masulat lng wala na kcng pmapansin sau.kya sobra sobra na kng mgpapansin ka pansinin mo lhat ng comment kramihan against s ugali mo khit nao png isulat u e sau halos lhat ng comment mkita lng nla na ikaw ang writer wala na kc crang cra kna sa lhat lahat ikaw ung ngsusulat na imbes magcomment sa balita o topic na isinusulat mo e lahat halos ng comment e sau nagagalit ibig sbhin wla ng gustng mnwala sau !!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

  17. teka! paano magiging user si rayver,wala naman siya sinabi na nililigawan niya si sarah,ang sabi ni rayver hanga siya kay sarah dahil talented,kaya request niya noong bday niya maka duet si sarah it does not follow na nililigawan na niya si sarah or may gusto siya

  18. e diba ikaw(cristy fermin) ang nagsabing crush ni sarah si rayver pero wala naman sinabi si sarah ng pangalan wala siya binanggit na name nag assume kayo ni tito boy sa the buzz, na si rayver yung sinasabi ni sarah na crush niya pero lilinawin ko walang sinabi si sarah na name!!!

  19. si ej falcon yan im sure coz when we watched may bukas pa grabe he had no emotions at all parang tuod talaga

Leave a Reply

Your email address will not be published.