Sarah Geronimo-Gerald Anderson loveteam, nauwi sa totohanan?!

MUKHANG MAS lalong lumalalim ngayon ang pagkakaibigan nina Sarah Geronimo at Gerald Anderson. Is it true na ang kinakikiligang onscreen loveteam ay tuluyan nang nauwi sa totohanan? Puspusan na nga bang nanliligaw ngayon si Gerald kay Sarah?

Patunay kaya rito ang Tiffany necklace na may pendant na puso na iniregalo ni Gerald kay Sarah noong nakaraang Pasko? Personal pa raw na inabot ito ng aktor sa dalaga. Kung ganito kaespesyal ang regalo, Sarah must be someone very dear to Gerald, hindi ba?

Sarah also gave Gerald a T-shirt and a perfume. According to some reliable sources, Gerald is the first guy na binigyan ng regalo ni Sarah.

Nagsalita kamakailan si Gerald tungkol sa isyu nang siya ay makorner ng The Buzz sa airport patu-ngong Iloilo para sa special basketball game doon ng Star Magic Team. Sabi niya, “Wow! Siyempre I feel special kung totoo iyon. And sobra akong thankful.”

Nililigawan na ba niya si Sarah? “I’m just happy na binigyan ako ng opportunity na mas makilala ko siya. I’m happy na kung saan kami ngayon. ‘Wag po tayo magmamadali and you know just enjoy what we have now.”

Gerald and Sarah became close after starring together in the movies Catch Me, I’m In Love and Won’t Last a Day Without You.

Kung totoo nga ang mga balita na nagkakamabutihan na silang dalawa ay mukhang sign na ito na pinapayagan na ni Mommy Divine si Sarah na tumanggap ng mga suitors at makipag-date. Pero sabi ni Sarah, “Hindi pa! Pero okay lang sigurong lumabas. Friendly [date] lang. Siyempre with the permission of my parents.”

Parehong abala ngayon sa kanilang career ang dalawa. Napapanood gabi-gabi si Gerald sa primetime teleserye na Budoy while Sarah will have a new Sunday night show titled Sarah G Live.

 

Kaibigan, usap tayo muli!

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

Previous articleJames Yap, malaya na kay Kris Aquino!
Next articlePinoy Parazzi Vol 5 Issue 24 FebruPinoy Parazzi Vol 5 Issue 24 February 6 – 7, 2012 Out Now!

No posts to display