Sarah Geronimo, duda sa kakayahan ni Judy Ann Santos?!

OLA CHIKKA! NGAYON nga ay matatapos na ang mga katanungan tungkol ditosa pagkawala ni Willie Revillame sa kanyang noontime show na Wowowee dahil kumpirmado ang kanyang tuluyang pag-alis. Kamakailang nga lamang ay nag-resign na siya.

Kunsabagay anong mukha pa ba ang kanyang ihaharap matapos niyang iwan ang show at makitang pumapalo pa rin ito sa ratings kahit wala na siya? Ang tanong ngayon ay kung sino na ang magiging permanenteng host na maaaring pumalit kay Willie?

Noong mga nakalipas na araw ay bonggang-bongga ang dating ng Wowowee dahil kay Robin Padilla ngunit dahil sa magiging abala na si Binoe sa mga susunod na araw ay hanggang dalawang linggo lamang talaga siya sa noontime show na iyon at nararapat lamang na doon siya mapunta sa kanyang linya na pagiging action star, at ngayon nga ay marami siyang gagawing projects under Star Cinema.

Ang mga nakapila sa linya sa pagpalit kay Willie ay itong si Edu Manzano at Cesar Montano. Malamang ay sa kadahilanang patok naman talaga sila sa pagho-host. Sina John Lloyd Cruz at Piolo Pascual ay nakahilera rin dahil sa kakaiba nilang karisma pagdating sa mga manonood. Ngunit ewan ko lang ah, dahil itong Wowowee ay pangmasa at sa tipo nina John Lloyd at Piolo ay ewan ko lang kung magtagal sila.

Bahala na ang management kung sino ang ipapalit kay Willie. Ngunit sa tingin ko ay kahit sino pa ang ilagay mo riyan ay patok na patok pa rin ‘yan sa masa hindi dahil sa mga host kundi sa mga pera na ipinamumukadkad nila sa tao. Duhba?!

ILANG ARAW NA rin ang nakalilipas ngunit hindi pa rin matapus-tapos itong isyu tungkol sa nakaraang eleksiyon. May mga isyu pang naglabasan tulad ng mga dayaan na naganap at mga nagtanong tungkol sa mga resulta ng mga boto. At isa na rito si Sarah Geronimo na hindi makapaniwala sa naganap na botohan lalo na at natalo ang kanyang ikinampanya for vice president na si Loren Legarda.
Ayon sa aktres, malabong gano’ng boto lamang ang nakuha ni Loren.

Dahil sa dami ng fans ni Sarah ay imposibleng bagsak sa resulta ang kanyang ikinakampanya. Dagdag pa niya, kumpara kay Judy Ann Santos ay mas marami raw siyang fans. Bakit nagawa ni Juday ipanalo si Senator Jamby Madrigal noon?

Heler!! Hindi ba naisip nitong si Sarah na marami nga siyang fans ngunit hindi ba nila naisip na underage pa ang mga ito at wala pang karapatan bumoto. Si Juday ay nasa tamang edad na nang ikampya niya si Jamby kaya hindi na kataka-taka kung bakit ganu’n ang naging resulta nitong eleksiyon.

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino itong singer-actor na concentrate muna sa pagho-host dito sa isang love-matching show at ang chikka ay mukhang hindi na raw siya magtatagal doon dahil sa kanyang mga ikinikilos at hindi maitagong chikka na siya raw ay isang bading.

Tama! Bading daw siya. Sayang pa naman at may hitsura pa naman ang singer-actor na ito. Kapag guwapo raw kasi
ang mga contestant, ay naku day! Hindi niya maitago ang kilig na nararamdaman at kitang-kita ang kanyang pagkabading. Ha-ha!! Kailangan n’yo pa ba ng clue? Mukhang hindi na! ‘Yun na!
AT HUWAG N’YO pong kalimutan ang aking OLA CHIKKA PRODUCTIONS para sa advertisement, guesting, exposure, shows at everything regarding entertainment. For inquiries just call us at 417 6181 at 0927 428 4216. Nais ko lamang pong linawin na hindi ko po personal numbers ang mga iyan. Lahat ng iyan ay office numbers kaya para sa mga updates sa akin at comments, maaari po kayong mag-send sa akin ng e-mail sa [email protected]. Maraming salamat po and God bless us all!

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articlePolo Ravales, non-showbiz ang ipinalit kay Krissa Mae Arrieta!
Next articleDating sexy actress, ‘di na nag-dyowa pagkatapos ni Noynoy Aquino!

No posts to display