Sarah Geronimo, ‘di na mapigilan ang pagiging inlababo!

OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! Pak na pak na naman for more chikka, more fun to the maximum authority of chikka ng yours truly! Always in time… don’t make your Monday a blue Monday. Mapapa-whaaaa kayo sa mga chikkang isi-share ko sa inyo, dahil maloloka talaga kayo sa Earth sa mga chikkang nakawiwindang.

Mukhang inlababo talaga ngayon si Sarah Geronimo, at hindi mapigilan ang sarili kahit inaawat na siya ng mudrakis niya. Hindi pa rin yata matanggap ni Mommy Divine na talagang darating naman sa point si Sarah na puwede na siyang mag-boyfriend.

Ang hindi lang natin lubos na maisip, bakit kaya ayaw siyang payagan ng mudra niya? Lalo na ngayon. Kaya tuloy may mga chikka na nagrerebelde itong si Sarah. Mukhang wala siyang pakialam kung sino man ang haharang sa kanya.

Sa bagay naman, pagkakataon na ito, baka mawala pa sa kanya kung hindi niya ipaglalaban ang naramdaman niya. Taray! Ikaw na ang inlababo, ‘teh! At blooming saang banda?! ‘Yun na!

ANOTHER CHIKKA naman ito na marami ang nagsasabing wala nang raket si Pokwang at palaos na rin daw, dahil sa pagkawala ng Happy Yipee Yehey!

Marami ang nagtatanong kung lilipat kaya ito sa ibang network. Nang maka-text ko nga itong si Pokwang, mas ngarag nga raw siya ngayon dahil sa ginagawa niyang mga movie. Mga movie talaga?!

Dalawang movie raw ang ginagawa niya ngayon at siguradong mahirap nga, dahil mga magagaling na actress ang nakakasama niya. Meron din siyang ginagawang project ngayon sa ABS-CBN, at masasabing exclusive pa rin siya sa network.

Mas mahirap daw ngayon ang sitwasyon ni Pokwang. Kaya para sa mga nagsasabing wala na raw siyang project, abangan na lang daw ang mga sunud-sunod niyang project. Pak na pak pa rin daw siya, until now!

LAST BUT not the least, dahil I have a production company, nais kong iparating na ang aking mga modelo ay sumisikat na. Lalo na pagda-ting sa mga car show, dahil hindi na basta-bastang car show ang lalabasan nila. Makakasama lang naman nila ang mga international mo-dels, kaya ang mase-sey ko lang ay please do support the hottest and biggest event in car show, ang “Hot Import Nights” on March 24-25, 2012 sa World Trade Center.

Naroroon po ang mga naggagandahang models na ga-ling pa sa iba’t ibang panig ng mundo at iba’t ibang panig ng Pilipinas, tulad na lang ng mga Ola Chikka Girls na talaga namang kabog na kabog pagdating sa pagandahan at pa-sexy-han.

Abangan ang pinakamalaking car show rito sa bansa na sinusuportahan ng bumper to bumper, at ng isang kilalang car paint, ‘yan po ang ANZAHL Car Paint na isa sa tumulong sa big event na ‘yan.

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articleSa balitang namatay raw sa isang car accident Teejay Marquez, gumigimik?!
Next articleKaya pinaghuhusay ang kanilang pag-arte Coco Martin at Paulo Avelino, parehong matayog ang mga pangarap

No posts to display