Sarah Geronimo-Cristine Reyes-Rayver Cruz Issue: Over And Done

SA WAKAS AY nagkabati na rin sina Sarah Geronimo at Cristine Reyes matapos ang kanilang di-pagkakaunawaan. Matatandaan na nag-ugat ang kanilang misunderstanding nang sabihin umano ni Sarah sa isang ASAP XV rehearsal last year na ang magaling magsayaw ay habulin ng mga seksing babae.

Mukhang ang boyfriend kasi ni Cristine na si Rayver Cruz na nagkaroon dati ng relasyon kay Sarah ang pinatatamaan ng pahayag na ito. Nakarating siyempre ang balita kay Cristine and she expressed her anger through her Twitter account.

Pero sabi nga, all’s well that ends well dahil natapos na ang lahat ng drama sa usaping Sarah-Rayver-Cristine.

Isang masayang Sarah ang humarap sa The Buzz. Sa kanyang interview ay sinabi niya na siya ang unang nakipagbati kay Cristine sa backstage ng ASAP Rocks. Matagal na raw kasi niya itong gustong makausap at makapag-sorry sa lahat ng gulong namagitan sa kanilang dalawa. Alam daw niya na tulad niya, Cristine also got hurt because of the issue.

Nagkuwento siya kung paano sila nagkabati ni Cristine. “Kasi nagmamadali [kami]. Naiwan ng make-up artist na si Len ‘yung eyeliner doon sa dres-sing room ko. Tapos si mommy meron din siyang kinuha. Lumabas siya, so sabi ko, ‘Hmm, nandiyan si Cristine. Puntahan ko na.’ Kinuha ko ang eyeliner. Sabi ko, ‘Manang, samahan mo ako. Isosoli ko lang ito.’ Sakto palabas si Cristine, so nagkatinginan kami. Parang umiwas pa siya.”

Hindi na nag-aksaya pa ng panahon si Sarah at niyakap niya ng mahigpit si Cristine sabay sorry sa kanya. “Sabi ko, ‘Cristine.’ Nagulat siya. Siyempre may takot din ako na [kung] tatanggapin kaya niya o masasaktan kaya ako? Ano kaya ang mangyayari? Niyakap ko na lang siya. Hindi ko na lang siya pinakawalan. Sabi ko, ‘Cristine wala akong intensyon [na saktan ka]’”.

Dagdag pa ni Sarah, “And I also told her na, ‘Cristine, naiintindihan kita. In-love ka eh.’ Sabi ko, ‘Nangyari din sa akin ‘yan noon.’ Napangiti siya.” Naiiyak din daw si Cristine that time and she also apologized to Sarah and Mommy Divine.

Muling klinaro ni Sarah ang kanyang mga naging pahayag. “Kaya ko nilapitan si Rayver noon dahil gusto kong makipagbati, gusto kong ipakita sa mga kasamahan ko na wala na…. wala akong intensyon para makipag-flirt sa kanya.”

“Iyong biro ko sa stage na ‘yon, during rehearsals, sini-set ko lang [ang] mood. ‘Yung joke ko na ‘yon for John [Prats] din iyon at Rayver. Kasi totoo naman ‘yon na ‘yung magagaling sumayaw, lapitin talaga ng mga magaganda at seksing babae. Si Rachelle (Ann Go, Prats’ girlfriend) sexy; si Cristine, sexy, maganda. Wala akong ibang ibig sabihin doon at ‘yon ang gustung-gusto kong ipaliwanag kay Cristine.”

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

4 thoughts on “Sarah Geronimo-Cristine Reyes-Rayver Cruz Issue: Over And Done

  1. tama na nga ito. lahat naman ng intriga ginagawa nila at the expense of their reputation para lang bumenta at pag-usapan ang mga project nila.

  2. hay naku…la kwenta mga showbiz balita s ABS puro scripted mga interview pra pgtakpan mga baho ng mga artista nla…hay naku…sarah sna for once maging totoo k nman..kakasawa n panoorin pa-arte mu n isip bata ka pg-iniinterview ka…hndi bgay s age muh…wag k ng magpanggap……la nmang masama kung sasabihin mu kng anu talaga nararamdaman muh at iniisip mu…kung galit k s tao sabihin mu…normal lg yan dahil tao ka…la mawawala maintindihan k nman ng lahat….at saka marami ng plastik s showbiz lalo n sa ABS wag mu nang dagdagan….

  3. Pingback: Sarah Geronimo-Cristine Reyes-Rayver Cruz Issue: Over And Done | Cristine Reyes Sarah Geronimo-Cristine Reyes-Rayver Cruz Issue: Over And Done | Cristine Reyes Videos, Pictures, News and More!

Leave a Reply

Your email address will not be published.