Sarah Geronimo, ayaw makasama si Toni Gonzaga sa pelikula?!

MAY ISYUNG AYAW raw ng pamilya ni Sarah Geronimo na makasama si Toni Gonzaga sa isang pelikula. May niluluto kasing project ang Star Cinema na magtatampok sa kanilang dalawa na pagsasamahan nila nina Rayver Cruz at Vhong Navarro.

May nagsasabing malaki na raw ang ipinagbago ng pag-uugali at pakikiharap sa tao nitong si Toni, feeling superstar na raw ito kung umasta! Maging ang Viva Films, hindi sang-ayon sa pagsasama ng dalawa. Sikat na nga ba talaga si Toni para pag-ukulan ng pansin like Sarah?

Nakarating kay Toni ang tsikang ito, pero hindi agad siya naniniwala hangga’t hindi si Sarah mismo ang magkumpirma ng nasabing balita. Para sa Pop Princess, dream niyang makasama ang TV host/actress. Kung matutuloy ang project, magkapatid ang papel na kanilang gagampanan. Kaso mo nga, hindi naman si Sarah ang nagdedesisyon kundi ang mga taong nakapaligid sa kanya. Ang tanong, papayag ba naman si Toni na mauna sa billing ang pangalan ni Sarah kaysa sa kanya?

BALIK-TAMBALAN MULI SINA Iza Calzado at Dingdong Dantes sa upcoming soap ng GMA 7 na Stairway to Heaven. It’s a Koreanovela na nagpaiyak sa masang Pilipino at ngayon nga, gagawin na itong Pinoy version. Ngayon pa lang excited na ang kanilang mga fans sa balik-tambalan nilang dalawa.

Nagdadalawang-isip nga lang si Iza kung tatanggapin niya ang project na ito. Ayon sa kanya, parang hindi bagay ang role ng lead actress na si Jodi sa Pinoy version nito kung saan gaganap na Cholo si Dingdong. Pakiramdam ni Iza, matapang ang features niya, samantalang very weak ang features ng gumanap sa Korean version. Sabi nga namin, sa kinis at ganda ng mukha ni Iza, imposibleng hindi mapalambot ito ng make-up. Katatapos lang niyang gawin ang indie film na Dukot with Direk Joel Lamangan.

SINASABING SI EULA Valdez ang dahilan ng pagkaurong ng playdate ng teleseryeng The Wedding na pinagbibidahan ni Anne Curtis. Two years in the making na ang nasabing soap. Nakapag-taping na ang magaling na actress nang bigla na lang itong mahinto. Nagkataon naman nag-lapse na rin ang kanyang kontrata sa Kapamilya network at lumipat na siya sa GMA7.

Inamin ni Eula na malaki ang utang na loob niya sa Dos kaya kinausap niya si Enrico Santos at kinonsider niya ang offer. Basta huwag lang sumabay sa mga shows niya sa Siyete. Masaya ngayon ang actress sa kanyang career sa Siyete dahil sa assurance ng trabaho. Hindi pa nga raw natatapos ang kanyang show, sinasabi na kaagad ang susunod niyang soap project.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

11 thoughts on “Sarah Geronimo, ayaw makasama si Toni Gonzaga sa pelikula?!

  1. mabuti pa tong c ka eddie..may pgka professionalism pa..hnd judgemental…unlike sa ibang wrietrs d2….AHEM!!!!!!!!!!!!OA kng mkpgsulat…wala nmng ka22hnn..

  2. syempre u cnt help it na magcmangot sometimes kng talagang pagod ka na..ikw kaya magtaping ng long hours tignan natin kng d ka ccmangot..

  3. Alexitorin, I agree. Toni’s past interview shows that she is excited to make a movie with Sarah. I don’t think Sarah will refuse a movie because of her co-star. This writer has opened news that was in the archives for months. Lumang balita. Let’s move on to the next one.

  4. its true na napakasuplada nyan c toni at feeling star nakita ko sya sa shooting nya date sa movie nila ni vong navarro at nakasimangot pag tinatawag ng fans halatang naiirita… hirap sa kanya nasa public place sya tapos sisima simangot sya

  5. Eddie Littlefield, nag rerecycle ka nang balita. Matagal na ang issue na ito na walang katotohanan. Walang problema si Sarah o si Toni na makatambal ang isa’t isa. Gagawa ka rin lang nang tsismis, luma pa. Maghanap ka na lang nang ibang ibabalita.

  6. ALIEN ba itong WRITER na eto? SAAN planeta ba galing ang writer na itech,WRITER ka nga ba???SUS! GINOO! ang tagal ng balita yan DONG! hindi na nga tuloy ang project as in 0 wala! no more! GETS MO! halata kang hinayupak ka na wala ka ng maisip masulat kaya yung nakabaon na sa lupa hinuhukay mo pa! kung baga sa BANGKAY PATAY NA NGA NAG DECOMPOSE NA! GUSTO MO PANG BUHAYIN! hahahaha!!!!!

  7. THIS HAS COME UP A WHILE BACK. TONI WAS INTERVIEWED AND SHE SAID THAT SHE FEELS HONORED TO BE WITH SARAH IN A MOVIE. SINO KAYA ANG GUMAGAWA NANG MGA TSISMIS NA ITO. WHAT IT BOILS DOWN TO IS THAT THIS ISSUE SHOULD EVEN NOT COME OUT WITHOUT SARAH IN FRONT OF A CAMERA. EVERYTHING IS HEARSAY. I DON’T THINK SARAH IS THIS VAIN TO REFUSE A MOVIE BECAUSE OF HER CO-STAR. DO SOME MORE RESEARCH ON THIS.

Leave a Reply

Your email address will not be published.