Sarah Geronimo at Rayver Cruz: Hindi raw sila nag-break!

Break na raw sina Sarah Geronimo at Rayver Cruz. Ang tanong: naging sila ba? Umamin ba sila sa publiko na mag-on silang dalawa?

Rayver flatly denied the rumor that he broke up with Sarah. He stood his ground that he and Sarah were never a couple. In an interview with The Buzz, he said “Hindi dumating sa punto na naging kami at hindi rin dumating sa punto na talagang nanligaw ako. So, malabong maging kami.”

He added, “Paano kami magbi-break, hindi naman kami? Kasi friends lang talaga kami ni Sarah. Nakakatawa lang kasi pinangungunahan ng iba na naging kami at nag-break na. Hindi p’wedeng mag-break kami.”

Pati tuloy si Mommy Divine ay nadadamay sa isyu. There were speculations that her strictness got in the way of the relationship of Rayver and Sarah. But Rayver came into her rescue and defended Mommy Divine. He said that it is only natural for parents to be protective of their children.

Rayver said, “Sa case ni Sarah, siyempre aalamin ko muna kung sino ang poporma sa anak ko, hindi ba? Busy si Sarah at alam naman natin na hindi pa siya pwedeng magka-boyfriend kaya respetuhin na lang natin.”

Like Rayver, Sarah also denied the rumor that they have separated. “Paano naman mangyayari iyong magbi-break kami, hindi naman naging kami? Nag-aaral pa ako at may career pa ako. Basta kami ni Rayver ay magkaibigan at lahat ng kaibigan ko ay espesyal sa puso ko.”

Saan nga ba nagsimula ang tuksuhan kina Sarah at Rayver? Sarah guested on The Buzz nearly two years ago. She was asked about her crush since she still does not have a boyfriend. Pero matipid ang kanyang naging sagot: she sees him every Sunday. Nagkaroon tuloy ng guessing game and the names of Piolo Pascual and Billy Crawford were mentioned. Sarah gave a hint na magaling daw itong sumayaw. Biglang lumutang ang pangalan ni Rayver who fits all the clues. I remember teasing Sarah by grabbing a magazine with Rayver’s photo and showed it to her. Pero hindi pa rin napa-amin si Sarah.

Kaya naman hanggang ngayon ay pilit pa rin silang inili-link sa isa’t isa. Nagkasama pa sila sa pelikulang You Changed my Life.

Wala namang masama kung magka-crush si Rayver kay Sarah. She is beautiful, sweet, humble and talented. Sarah is phenomenal.

Kung totoo man na nag-break sila, nobody knows. Sabi nga, kung talagang sila ang para sa isa’t isa ay mangyayari iyon harangan man sila ng pana at sibat.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

Previous articleJudy Ann Santos at Ryan Agoncillo, tuloy na ang bakasyon sa Amerika
Next articleClickadora: Hot Momma at the Beach! (Jean Garcia)

No posts to display