Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz, patuloy na nag-iisnaban?!

NAG-IISNABAN NGA BA talaga hanggang ngayon sina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo?

May nag-chika kasi sa amin na kahit daw sa ASAP XV every Sunday, hindi raw nag-uusap o nagpapansinan man lang ang dalawa.

Ayon sa isang source namin noon, kailangan pa raw talagang kumbinsihing mabuti ang Pop Star Princess, pati ang Mommy Divine nito na gawin ang part 3 ng pelikula ng young actress-singer at ni John Lloyd. Hanggang sa sinabi na nga ni Sarah na mukhang mahirap nang sundan ang success ng A Very Special Love at You Changed My Life. Nirerespeto naman ni JL ang desisyon ng dalaga.

Pero sana, kahit malabo na o mukhang matatagalan pa talaga bago magkatambal muli sa pelikula ang dalawa, maging magkaibigan pa rin ang reigning Box-Office King and Queen.

SPEAKING OF ISNABAN, may pagkaisnabera ba talaga ang baguhang aktres na si Maricar Reyes?

Nagagalingan pa naman kaming umarte kay Maricar bilang Sam sa top-rating teleserye ng ABS-CBN na Imortal.

Nang mag-promote ang buong cast ng Imortal headed by John Lloyd Cruz and Angel Locsin sa Pilipinas, Win Na Win one Saturday before the pilot episode, nakasama namin ni Tita Ethel Ramos, a well-respected entertainment columnist and manager of Angel, si Maricar sa isang dessing room. Napansin namin na hindi man lang bumati sa amin, lalo na kay Tita Ethel ang minsang naging kontrobersiyal na aktres hanggang sa lumabas na kami ng dressing room.

Nang dalawin naman namin ni Tita Ethel two weeks ago si Angel sa taping ng Imortal sa Antipolo, Rizal, nakita naming muli si Maricar nang pinapasok s’ya sandali ng staff sa kuwartong nagsisilbing dressing room ng una at ni Lloydie. Pero sa pangalawang pagkakataong ‘yon, tila dedma pa rin si Maricar sa amin ni Tita Ethel.

GUWAPO TALAGA ANG baguhang young actor na si Albi Casino na love interest ni Kathryn Bernardo sa Mara Clara.

Pero gaano katotoo ang nakarating sa amin na at his early age, at 17, take note, naninigarilyo na raw ang binata?

At how true rin na alam daw ‘yon ng kanyang mother dear na kung minsan pa raw ay kaharap o kasama pa ni Albi habang naninigarilyo?

Sana naman ay hindi ‘to totoo, dahil hindi magandang halimbawa sa mga kapwa n’ya bagets na nag-uumpisang umidolo sa kanya.

NAGBITIW NGA KAYA talaga ng salita ang discoverer at manager ni Enchong Dee na si Keren Pascual na ayaw n’yang i-manage diumano ang ka-loveteam ng alaga n’ya na si Erich Gonzales, kung sakaling magpa-manage ang huli sa kanya in the future?

May nagawa kayang ‘di maganda si Erich sa talent manager, kaya napabalitang nakapagsalita ang huli ng gano’n?

Ugaliin n’yo pa rin pong makinig ng Wow! Ang Show biz! with Ogie Diaz, Ms. F as in Fernan de Guzman, Friend Rommel Placente and yours truly over at DWIZ 882 KHS on am band, Monday to Friday, from 11 AM to 12 NN or log onto www.DWIZ882.com. Maraming salamat po!

Franz 2 U
by Francis Simeon

loading...

23 thoughts on “Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz, patuloy na nag-iisnaban?!

  1. UNA, si Divine ang pinaka bobo sa lahat. Napaka yabang. Akala mo napaka sikat ng anak nyang palaos na. Nilangaw nga Idol nya e.

    PANGALAWA, ang mga tao, may karapatang mawala sa mood, kaya wag paimportante kahit writer ka pa. Yun nga e, writer lang kayo.

  2. hayyy sarah has to learn na hindi lahat na lalaki na sweet sa kanya, nililigawan na siya. mabuti na lang si Bea, knows how to differentiate sa reel and real, yong pang promo at showbiz.
    kong ako rin si JLC hindi ko rin pansinin si sarah, ilang beses na pinahiya siya sa TV, sa ASAP , at doon din sa show ni Sharon, dalawa sila ni Sharon at sarah, tumatawa sila, may VTR pa si JLC sa kanya, i think nag popromote siya ng movie nila ni juday sa sharon show, pinahiya nila si JLC. kaya dapat hindi siya mag salita ng patapos. Look at waht happened sa Movie at Idol niya.

  3. pano pinaasa lang ni john lloyd si sarah.. Buwakang ina di hamak na mas guwapo pa ko kay john lloyd, jkahit saang anggulo tignan.

    • owss talaga? sa pananalita mo palang mukhang di lang mukha mo ang masama pati ugali mo! gumising ka muna bago ka maligo nananaginip ka pa ata!

  4. talaga mayabang ang mukhang pera na sarah nayan akala mo gusto na sya ng lahat ng tao kaya ng iinarte na eh di tinangkilik ang idol di napahiya eh di na ngayon mabawi na hindi pa nya kayang mag isa at need pa nya si jl di napahiya sya ngayon hindi lang mukhang pera may kayasbangan pa ang bruha kapal mo eh di ka naman kagandahan ha di na nalalayo kay lolit at cristy fermin kapal muks

  5. Baka naman nagkakailangan lang kasi nga may naging issue before, tapos parehong nahihiya na maunang kumausap. Sa case ni JLC, kasi medyo na-experience na nya yung maisnab ni Sarah habang nag-h-host sila ng ASAP kaya siguro medyo nadala. Si Sarah naman, syempre babae, baka hindi rin sure kung babatiin sya ni JLC pabalik. Cultivate Peace people, masama yung puro ka-negahan, baka bumalik sa buhay nyo yan.

  6. ang arte talaga ni sarah esp nanay nya! feeling sila ang nagdala ng movie kaya bumenta eh puro kabaduyan naman alam! nagpapa importante pa! no wonder nung isinalang ang idol ni hindi kinagat ng public then hanggang ngayon ba naman nag iinarte pa! konting humility naman diyan! di ka habang buhay sikat sarah! at least pag si jlc, certified bongga ang acceptance at tangkilik ng mga tao noh! nananaginip ng gising ang feeling na si geronimo!

    • Naku! lumang picture yan 555 promo pa look at the background.Ikanga ni JLC wag nang ipilit.Hindi kailangan ni JLC si Sarah at ganon di si Sarah. Nasaktan lang seguro si Sarah kasi akala nya totoo yong pakikipagsweet ni JLC sa kanya yon pala gimmick lang para sa promo ng movie nila kaya nga di ba sabi pa ni JLC yon sa singer trabaho lang may sabi pa sya na i’m just a soldier na sumusunod sa nakatataas.

  7. sa writer: kung maghahanap ka sa twitter..may makikita kang pictures nina JL at Sarah last sunday sa ASAP XV…kaya di totoo na nag-iisnaban sila.

  8. di naman malaman sa mga writers na ‘to kung pa’no pa titirahin si Sarah. kay Rayver, selos daw, kay Lloydie, di daw pinapansin, ANO BA TALAGA? wala na ba kayong mahanap na intriga sa mabait na batang si SARAH? Buti na lang madasalin ang mga nagmamahal kay Sarah, kaya maraming blessing si SG…mga nanay at lola na gusto magka-anak o magka-apo ng mabait na batang tulad SARAH GERONIMO.

  9. haaaaaaaaaay minsan talaga oa na si sarah, nakakasawa ! si lloydie naman ewan! lasenggo grabe kaya walang maipakitang katrawan o abs kaya dpat lang pagbutihin nya acting nya, malapait na rin panahon nyang maging tatay na roles, nakakalbo na hehe

  10. eto namang mga writer na eto…sino ab kayo na dapat bigyang pugay ng mga artista…kesa naman batiin at beso beso kayo niyna tapso next na kita ninyo di kayo makilala…mas masakit yon..tumigil na rin kayong mga writer na feeling ninyo may aura din kayo…yon lang!

  11. Sa mga writers…mga tao din iyang mga artista. Tao lang. Me topak din paminsan. At hindi porke writers kayo eh hilong talilong na babati at magbeso beso ang mga artista sa inyo.

    Sa US..artista ang bida at hahabulin ng mga writers. Diyan sa Pinas..gusto ninyo kayong mga writers ang bida. Kasi naman ginagamit ninyo ang pen para siraan ang mga artistang hindi nagbibigay ng pera sa inyo!!!!Pera pera lang kayo.

    Totoong tao lang si Maricar Reyes. Hindi plastic.

  12. kayo talagang mga witer.. basta hinde lang pansinin ng artista galit agad!!! feeling nio mas sikat kayo sa mga artista!!! suskow tong mga toh.. pinagkakakitaan nio na nga mga artista gus2 nio sambahin pa nila kayo!!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.