Sarah Geronimo at Gerald Anderson, pampromo lang ang pagkakamabutihan!

BLOOMING SI SARAH Geronimo!

‘Yun ang agad-agad na napansin sa kanya ng mga press na dumalo sa presscon para sa bago nilang pinagtatambalan ni Gerald Anderson sa Star Cinema at Viva Films offering na mapapanood na sa November 30, ang Won’t Last A Day Without You!

Halata sa kilos at galaw ni Sarah may something na nangyayari sa kanya. At maski nga ang pagkakaupo nito sa silya eh, hindi maiayos at kahit pa sumigaw na kami na umayos siya ng upo dahil nasisilipan na siya at nasa elevated stage eh, may kung anong nagpapakalimot sa dalaga na maging prim and proper.

Dahil hindi rin sila makasagot nang diretsahan ng leading man niya for the 2nd time na si Gerald kung may something na bang namamagitan sa kanila, pinasakay na lang sila ng press sa mga pam-promong sagot. Na if you read between the lines, alam mong meron nang nagsisimula na malamang na sa pam-promo nga muna but eventually eh, mauuwi sa totohanan.

Dahil bago pa matapos ang presscon, nadulas na si Gerald sa pagtawag ng Mommy, sa halip na Tita sa butihing ina ni Sarah na si Mommy Divine.

At may pagkakataon nga na nagpapasintabi pa si Sarah sa kanyang ina kapag nauuwi na sa tuksuhan ang usapan.

Tinanong nga si Sarah kung anong scale ang ibibigay niya kay Gerald kung sakaling manligaw ito sa kanya. Hindi agad na nakapagbigay si Sarah ng sagot.

At magpapaliwanag na lang daw siya.

“’Wag na lang po mag-scale. Si Gerald po is good-looking. At nu’ng makilala ko po siya lalo ngayon sa pagtatrabaho namin, marami akong nadiskubre. Nu’ng una kasi, hindi kami halos nag-uusap. He has a good heart, warm and appreciative. Malambing.

At hindi ko nga akalain na ganon pala siya. Nakakatuwa. Pero kung sa ngayon, hindi ko muna po ‘yun mae-entertain. Hindi muna ito ang time para du’n. Kung pam-promo po? S’yempre, 10! Pero ayoko namang sakyan ang pagiging GGSS o gandang-ganda sa sarili.”

Takot pa nga raw siyang muling umibig. Hindi pa raw ito ang panahon. Pero siya rin ang nagtanong kung kelan kaya ang tamang panahon. Kung maaari raw sana, ‘yung makikilala na niya at mapapalapit sa puso niya eh, siya na rin niyang makakatuluyan sa huli. At ‘yung mas magsasakripisyo at ipaglalaban na siya this time.

Bitter or better? O bitter then better?

 

SI MOMMY PINTY rin eh, lumalaging nasa tabi na ng isa pa nitong dalaga, kay Alex Gonzaga. Kaya nga sa presscon naman ng bagong soap ni Alex sa TV5 na PS I Love You, kung saan ang muli nilang pagtatambal ng nakatampuhan niyang si Kean Cipriano ang ibinebenta, maingat na ang dalawa sa kanilang mga kilos.

Ang paliwanag ni Alex, nanatili pa rin daw ang friendship sa pagitan nila ni Kean. At sa pagsasama nilang ito eh, mas marami rin daw sila muling nadiskubre sa isa’t isa.

Sa nasabing presscon, nakakalusot ang mga pagtukso sa kanila ng mga kasama nila sa cast, gaya nina Dina Bonnevie at Gabby Concepcion.

Kaya nga sa mga ganoong pagkakataon, ang mga mata eh, lumilipat sa kinaroroonan ni Mommy Pinty na pa-smile-smile lang.

Si Alex din, gaya ni Sarah eh, naka-focus ngayon sa kanyang trabaho at isinasabay pa ang pag-aaral. At ang sinusundang yapak eh, sa Ate Toni niya.

Kaya ang boys eh, malamang na maghintay-hintay muna.

Ngayon pa, na bakbakan ang labanan ng mga pinangalanan nang prinsesa ng Kapatid Network? So far, mukhang nangunguna si Alex sa nasabing titulo, ha?

The Pillar

by Pilar Mateo

loading...

11 thoughts on “Sarah Geronimo at Gerald Anderson, pampromo lang ang pagkakamabutihan!

  1. ANG GALING NAMAN NI MOMMY DIVINA GRACIA MAG DASAL…………DAPAT I-NOMINATE NA SIYA BILANG ISANG SANTA…………MGA POOPSTERS NAGSALITA NA INYONG FIGURE HEAD SUNDIN NYO SIYA……………….

  2. o Diyos ko, galit na galit ako diyos ko patawarin nyo ako Diyos ko pero ayokong mag boyfriend ang anak ko dahil nag la- lock sya ng pinto at hindi sumasabay kumain. dyos ko po nasisira ang pamilya namin dahil sa lalake. Dyos ko nag pa interview ako sa YES magazine at sinabi kong AYOKO magka bf si Sarah dahil labag sa utos nyo Dyos ko… oh ayoko magka boyfriend si Sarah. Tanggalin nyo po ang pagmamahal sa puso ni Sarah para hindi sya madapuan ni SATANAS. .. Pero pag PROMO ng pelikula, sige papayag ako.. Basta magka pera kami. Kunwari pwede na syang mag bf. Papakiligin namin ang mga tao. Papaaasahin na pwede na si Sarah ligawan. Kunwari lang naman.. Basta magkapera lang. Uto uto naman yung mga taong tanga paniwalang paniwala. DIYOS KO!

  3. NAG FEELING KASI SI SG PANGO NA MAY GUSTO SA KANYA SI MANIAC ANDERSON………GUSTO KA LANG TIRAHIN NYAN DAY AT MUKHANG PAPATIRA KA NAMAN…………..ANG ARTE TALAGA……….PWE!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

  4. mukhang nai-inlab si sarah kay gerald ah? kaya siguro siya naluha sa presscon kasi matatapos na ang shooting nila at pati bonding nila

  5. @mervz – ANG KUNAN MO NG DIGITAL YANG PUWET MONG PURO KURIKONG……….HAHAHAHA………..SAMA MO SI AYA NA TAGA-KUHA PERO MAKE SURE READY KA NA MASUKA SIYA………..HAHAHAHAHA

  6. shebie ang laki ng galit mo kay sarah g. ginawa mo ng ritual ang paninira kay sarah g. “digital ang karma” bahala na si lord sayo.

  7. hahaha.. PR pala ditoa ng GMEwww Films… ano ba ung title ng pelikula nyu?! :THE ROAD to flopness.. haay,, mukhang promising sana ung movie. wrong timing lang ang gmewww,, good luck btw! as to sarah and ge, gudluck sa movie.. for xur, manonood kmi nyan!

  8. talaga lang pam promo kasi biglang na lang lumalabas ang mga tahi tahing mga articles at interviews, pinapasakay ang mga uto uto, obvious ba at common sense dictates na wala naman sparks, timing lang sa promo, halata na frantic at kabado ang viva at star magic eh wala namang maniniwala kundi mga tsimee, walang utak, sa lahat ng na link kay underson, si sarat lang ang di maganda

  9. KAYA BLOOMING YAN EH PANAY PA RIN KASI ANG SKYPE NYAN………..HAHAHAHA……….ALAM NYA NA BUSY SA CYBER…………….HAHAHAHAHA………..MAS MAGANDA KUNG ANG NAG BLOOM EH YUNG NOSE PARA MATULOY NA TLAGA MAGING KAMATIS………HAHAHAHA……….ABANGAN NATIN KUNG PAANO MAG FLOP ANG MOVIE NA ITO………….WATCH THE ROAD THE BEST MOVIE TO SEE ON NOV. 30…………….GMA NO. 1!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.