Sarah Geronimo at Coco Martin, nagplastikan at nagsumbatan

Courtesy of Ogie Diaz' Facebook

Courtesy of Ogie Diaz’ Facebook

GUMIGILING NA ang kamera sa pinakabagong tambalan pagdating sa pelikula. Sina Sarah Geronimo at Coco Martin under Star Cinema.

Wala pang official title, dahil namimili pa ng mga patok na theme song na parang “Starting Over Again” ang dating.

Kasama rin dito si Ruffa Gutierrez at higit sa lahat, kami. Hahahaha!

Wala nang bawian, Star Cinema, ha?

Tatlong araw na akong nagsi-shoot, kaya ‘yan na ‘yan, wala nang galawan.

Ang cute ng istorya nilang dalawa. ‘Pag nag-uusap sila, parang plastikan, sumbatan at iritahan na siyempre, me umeepal ‘pag nagsasagutan nila. Ako. Hahahahaha!

‘Di bale nang epal, me suweldo naman.

 

ANG DAMING nagtatanong sa amin kumbakit nagpa-cut short ng hair si Sarah Geronimo.

To be honest, hindi namin tinatanong si Sarah tungkol dito, dahil baka hindi rin niya gustong pag-usapan.

Ni hindi nga nag-o-open up sa amin ang bagets sa set at hindi rin namin tinatanong tungkol sa lovelife niya kay Matteo Guidicelli, dahil ayaw naming umepal.

Kasi, ‘yun talaga, walang suweldo. Hehehehe.

 

NAPAKAGANDA NG Ikaw Lamang, ang bagong teleserye ni Coco Martin.

Sabi nga namin sa kumpare naming ito ay ‘wag munang tapusin ang mga eksena ng mga batang Coco, Jake Cuenca, Kim Chiu at Julia Montes, dahil ang cute-cute ng mga eksena.

Mga bata pa lang ay may nararamdaman na sa kapwa nila bata. Hehehe.

Parang ‘yung Agua Bendita noon kay Xyriel Manabat na 3 or 4 months yatang inere bilang bata bago inilabas si Andi Eigenmann na nagalit pa si Jaclyn Jose noon kasi nga, ang tagal nang nakatengga si Andi.

Pero sabi ni Coco, “Baka this Thursday, Kuya Ogs, kami na ang lalabas.

Actually, kahit nga ako, aliw na aliw sa kanilang apat, eh. Ang huhusay nilang umarte, lalo na si Louise Abuel. Si Zaijian Jaranilla kasi, magaling na talaga, eh. Si Louise ang revelation dito talaga!

Congrats nga pala sa Honesto at Ikaw Lamang, dahil wagi sila sa ratings!

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

5 thoughts on “Sarah Geronimo at Coco Martin, nagplastikan at nagsumbatan

  1. magJUDGE po muna kayo sa own self nio ahh…o d kaya YAKULT! bka my bad bacteria tummy nio, para OK ka ba tyan!! hehe :p

  2. nyahahhahaha another basurang pelikula naman ang ginagawa ng star cinema,,,yan ang offer sa madlang pulpol nila….hahahhaha sigurado ako,,kukunin na naman ang Title niyan sa isang lumang love song hahahahha na wala naman kinalaman yung kanta sa istorya ng pelikula ( style na style ng star cinema ) hahahaha..pakikiligin na naman yung mga Zombie fans nila siyempre,,para gumastos at manood ng pelikula nila bwahahahah sigurado ko rin,,may kapareho na naman ang istorya niyan, dun sa mga dating pelikula ng star cinema hahahahha yan ang TRASH..uutuin na naman ang mga Zombie fans nila…tru walang humpay na Publicity..at matinding drum beating ng mga PR machine nila hahahha

    • HAYNAKU KRISTD INGGIT KA NA NAMAN KASI YUNG MGA PELIKULA NG KAPUPO EH PURO FLOPSINA, WALANG KWENTA AT HINDI MAN LANG MAKA-400 M HAHAHAHAHA! MAMATAY KA SA INGGIT!

  3. buti nga diza dinemanda ng shampoong iniindorse nya…eh my agreement don na bawal zang mgpagupit hnggng ongoing ang contrak nya….tpos umatend paza dunsa prescon ng shampoo na maiksi nanga ung hair nya…kya ung ine air na tvc nya wd julia n jasmine e panloloko nlang sa consumers un…buti pa c kc ng ngpagupit pinalitan muna zani carla abellana…sa lovelife nman nya hnggng kelan kya yng patago-tago style nya…wawa din ang hitad di mkalantad ng todo…aldo nung k gerald e kumerengkeng nman za ng husto sa tv at concert nya…

Leave a Reply

Your email address will not be published.