Sarah Geronimo at Angeline Quinto, patuloy na pinagsasabong

PATULOY NA PINAGSASA-BONG ng mga tao ang kauna-una-hang pop female superstar ng natapos na Star Power na si Angeline Quinto at ang Pop Princess na si Sarah Geronimo.

Pati ang mga tagahanga ng dalawa, gustong magkaroon sila ng showdown. Dahil nga kahit sa mga write-ups eh, patuloy na ibinabangga sila sa isa’t isa.

Dati nang nagkaharap sina Sarah at Angeline noong 2002 sa Star of the Night search na hino-host ni Regine Velasquez sa IBC-13. At ngayon, parang iisa ang tinutumbok ng direksyon ng kanilang tinatahak sa kanilang career. Nauna nga lang umalagwa si Sarah.

Kaya nga kahit na isinasalang na si Angeline sa ASAP Rocks, sige pa rin ang hirit ng mga tsikang malamang na hindi na pagsamahin sa isang production ang dalawa. Para nga raw matigil na ang patuloy na pagkukumpara sa kanila.

Eh, kapag inuusisa naman si Angeline about it, lagi naman nitong sinasabing idol niya naman si Sarah. At talagang fan daw siya. At hindi man daw sila nagkikita eh, nagkapalitan na sila ng cellphone numbers nila kaya every now and then eh, sige sila ng kate-text sa isa’t isa.

Pero may gagawa at gagawa ng paraan para magkasama pa rin sila. Kaya siguro para matahimik na rin ang patuloy na pagsasabong sa dalawa, minabuti ng Belo Essentials na kunin ni-lang endorser si Angeline. Kung saan tatlong taon nang endorser si Sarah. Kaya, sa pakulo ng Belo Essentials, kung saan ang pangarap ng apat na Pilipina na maranasan ang transformation from the Belo Autho-rity ay magkakaroon ng katuparan.

 

SABI NI EUGENE Domingo sa press conference ng ipalalabas na commercially na Ang Babae sa Septic Tank, kung saan siya tinanghal na Best Actress sa katatapos na 7th Cinemalaya, ang naging wish niya nitong nakaraang birthday niya when she blew the 40 candles na nakalagay sa cake na dala sa kanya ng kaibigang si John ‘Universal Sweet’ Lapus, eh sana magka-asawa na siya.

Bukod sa wish naman niya para sa pelikula nilang maging Audience Choice. Kaya sa nasabing press conference, ‘yun ang naging ikot ng usisaan with Euge. Dahil sabi nga, ‘life begins at forty’. Kaya nakikita na raw ba na hindi maglalaon eh, may matatawag na siyang ‘Papa’?

Umabot na sa usapang ‘masabaw’ pa naman daw siya dahil nasimulan na nga niyang pag-desisyunan to have a healthy lifestyle. Kaya, sigurado naman daw siya sa bagay na ‘yun.

Bukod sa itinuturing niyang isang napakalaking blessing ng nangyari sa pelikula nila sa 7th Cinemalaya, ang dami pa ring ume-excite sa buhay ngayon ng komedyana.

May nakapagsabi na sa kanya na sa gagawing teleserye ng nag-iisang Superstar na si Nora Aunor eh, magkakasama sila. And she’s looking so forward to it!

Noranian pala ang Euge. At pinanonood daw niya ang mga pelikula ni Aunor noon pa man.

At talagang hindi niya raw palalampasin ang pagkakataong ito sa pagtatrabaho niya.

Ang unang-una niyang gagawin kung magkikita na sila sa set eh, ang titigan ang mga mata nito!

Sabay sambit ba ng ‘walang himala’?

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

13 thoughts on “Sarah Geronimo at Angeline Quinto, patuloy na pinagsasabong

  1. mang gagamit kasi ang mga handler ni angeline kaya yan ganyan kasi gusto sumikat ang manok nila bakit kasi hayaan nalang nila c angeline ang gumawa di yung pati idol ko ginagamit nyo ang kakapal nang mga mukha nyo,, layo lang ni angeline noh marami pa yang kakaining bigas pangit nang ipin hahaha lol…

  2. hay naku..SARAH GERONIMO pa din ako.siya pa rin ang nag-iisa kong idol simula pa nung una,..sa tuwing my dumadating na bagong nananlo eh ikumpara kay sarah………si SARAH is the best:mabait,humble,magaling,nagpapasalamt sa lahat ng blessings at hnd nagpapaapekto sa mga issues………basata anumang mngyare ky sarah sarah pa din ako SHE IS MY IDOL AND INSPIRATION

  3. hay naku..SARAH GERONIMO pa din ako.siya pa rin ang nag-iisa kong idol simula pa nung una,..sa tuwing my dumadating na bagong nananlo eh ikumpara kay sarah…….payo ko lang angeline bawas bwasi namn feeling ka …………un lamang po………si SARAH is the best:mabait,humble,magaling,nagpapasalamt sa lahat ng blessings at hnd nagpapaapekto sa mga issues………basata anumang mngyare ky sarah sarah pa din ako SHE IS MY IDOL AND INSPIRATION

  4. hay naku..SARAH GERONIMO pa din ako.siya pa rin ang nag-iisa kong idol simula pa nung una,..sa tuwing my dumadating na bagong nananlo eh ikumpara kay sarah…….payo ko lang angeline bawas bwasi namn feeling ka …………un lamang po………si SARAH is the best:mabait,humble,magaling,nagpapasalamt sa lahat ng blessings at hnd nagpapaapekto sa mga issues………

  5. churva??!! c angeline ang itatapat k sarah??kya nia b ang mga box office movies? super platinum albums? or even a commercials? stop teasing her to COCO MARTIN,.pde b d cla bgay..wla nga xang sariling pgkakakilanlan kundi ang kamuka nia c REGINE, at kaboses..hahaha poor angelie,wla xang mrrting kung lgi xang nggagaya..

  6. bakit naman po iyung picture ni angeline ang ginamit dito. madami naman po syang picture na hindi mukhang may down syndrome! Tingnan nyo po tinatawanan ni sarah sya. May iba naman po syang picture na maayos tulad nung isang write dito. mukha po syang naeebak!!! 

  7. pansin ko lang si angeline wlang originality!prang gingya nya boses ni regine todo birit sumsemplang nmn, nwawlan sa align kya ung ASAP khapon sablay sya..gusto nya kc msapawan lht ng sinbyan nya sa pgkanta!kulang na lang maputol litid nya!Mgaling sya sa kung magaling pero sna lang ilagay nya sa lugar!ginaya nya din si SG na pahumble effect at in other way!hay!sna lang mag effort syang mging sikat ng hndi nanggamit pra hndi un ang tumtatak sa publiko!just my opinion!

Leave a Reply

Your email address will not be published.