Sarah Geronimo and Gerald Anderson’s movie will have sequel?

KINAKILIGAN NG MGA moviegoers ang fresh team-up nina Gerald Anderson at Sarah Geronimo sa pelikulang Catch Me… I’m in Love. Hanggang ngayon ay pinipilahan pa rin sa mga sinehan ang ‘sugal’ na tambalan ng dalawa. Noong una ay pinangangambahan pa kung kakagatin ng masa ang Gerald-Sarah loveteam dahil mas identified si Gerald sa ex-girlfriend na si Kim Chiu samantalang marami pa rin ang humihiling na magkaroon ulit ng bagong proyekto si Sarah kasama si John Lloyd Cruz. Marami ang nagre-request sa mga forums na sana’y magkaroon ng continuation ang love story nina ‘Mommy’ at ‘Daddy’. Ang iba pa nga ay nagre-request na sana’y magkaroon ng TV series ang dalawa. Ito ang unang pelikula ni Gerald Anderson na hindi kasama si Kim Chiu. Isa na itong patunay na kaya na ng binata na makipag-loveteam sa iba. Sa katunayan nga, may mga bulung-bulungan na inihahanda na ang part II ng pelikula. Trulaloo kaya ang news?

Alodia Gosiengfiao, niloko lang ang mga tagahanga!

Bago natapos ang buwan ng Marso, nag-post ng isang video ang Cosplay Queen na si Alodia Gosiengfiao na tuluyan na nitong tatalikuran ang mundo ng Cosplay. Balak daw nito na bumalik muli sa pag-aaral. Marami ang nadismaya at nalungkot sa balitang ito, pero ito pala ay isa lamang malaking palabas. Parte ito ng April Fools Day gimmick ng dalaga. Nag-upload ito ng panibagong video sa kanyang YouTube account at ang school pala na kanyang sinasabi ay patungkol sa kanyang bagong ginagayang karakter. Ito ay para sa bagong palabas ng Animax na mag-uumpisa sa April 6. Sa wakas ay nakahinga na ng maluwag ang mga die-hard fans nito. Mahilig din palang makipaglokohan ang co-host ni Luis Manzano in real-life, huh?!

Ritz Azul, type sundan ang yapak ni Ruffa Gutierrez!

Isa sa mga baguhang bini-build up ngayon ng TV5 si Ritz Azul. Hindi man siya ang grand winner ng Star Factor, siya pa rin ang napili bilang Daisy sa sexy-drama serye na ‘Mga Nagbabagang Bulaklak’. Nagpakita na rin ito ng potensyal at hindi rin ito nagpapatalo sa mas beterano nang si Arci Muñoz kung paseksihan lang naman ang pag-uusapan. Nabanggit nito na pangarap din niya na maging isang beauty queen. Iniidolo nito si Ruffa Gutierrez at nagbabalak din itong sumali sa Bb. Pilipinas. Kung sakali mang ituloy ng dalaga ang kanyang balak, dapat nitong iwasan ang pagsusuot ng mahahalay na kasuotan para maiwasan ang kontrobersiya. ‘Yun ay kung itutuloy niya, ha?

Regine Angeles, todo na ang pagpapa-sexy sa men’s magazine!

Suki na ng samu’t saring sexy pictorials ang model turned actress na si Regine Angeles, pero mas naging mapangahas ang dalaga bilang cover girl ng FHM para sa buwan ng Abril. Wet and wild ang drama ng Kapamilya starlet at sa Cebu pa ginanap ang pictorial para sa nasabing men’s magazine. Isa si Regine Angeles sa talents ng Kapamilya Network na hindi pa nagli-lead sa isang TV o movie project pero tuluy-tuloy ang trabaho. Ito na kaya ang hudyat para i-consider na rin siya bilang bankable star ng Dos?

Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

loading...

17 thoughts on “Sarah Geronimo and Gerald Anderson’s movie will have sequel?

  1. sana may part 2 ang movie ni sarah and gerLD.. SA TOTOO lang ilang beses q na cia pinaulit ulit.. hahahaha.. d kc cia nkakasawa, sana may part 2, ikakasal na cla dlawa, like prince william and kate middleton. hehehe. cute!!!

  2. wahooo! sana magkaroon ng sequel kasi ang ganda. totoong tao kasi si sarah di tulad ni kim chui na saksakan ng kaplastikan. pacute2x ang tanda tanda na. laos na!

  3. dapat lang magkaron ng sequel at super kilig talaga ang movie nila at bagay na bagay sina mommy at daddy or sasa at gege….kaya go go go sarahg & gerald at w8 namin ulit ang 2nd movie nyo.

  4. Yeah! Yeah! Worth it talaga ang gastos pag nanuod ng movie ni sarah. Ganda2. :)) kahit ulit2in pa. Well, sarah deserves all the blessings. She’s a very nice and humble girl apart from being talented one.

  5. yey! congrats gerald and sarah! naka more than 100M na ang una nyong tambalan. talbog ang past movie ng KIMERALD na wala pang naka 100M kahit isa. ito na ang patunay na OVERRATED at OVERHYPED lang talaga ang KIMERALD. buti pa ang ASHRALD unang sabak pa lang BLOCKBUSTER na!! SEQUEL YOHOOOOO!!!!

    way to go Gerald! sabi nila ikaw na ang susunod sa yapak ni Piolo Pascual at John Lloyd Cruz!

  6. Superb ang CMIIL… Soooo Natural and believable.! Gusto ko na ang gege/sasa tandem kesa kay miggy… Part 2 part 2 at part 3 PA!

  7. really like the movie..infairness if true na my sequel definitely kikita na naman ito..congratz to sarah and gerald….

  8. Ate sarah ang ganda ng chemistry nyo ni gerald. kahit hindi kayo sa personal na buhay bagay na bagay kayo. Love you ate sarah lahat ng mga ginagawa mo at desisyon mo suportado kita kasi ang bait mong bata. sana wag ka magbago laging nasa lupa lang ang paa. kahit san ka mag punta lagi kang sikat. love you maganda ang pagpapalaki sau ni mommy divine.

  9. Grabeh ang ganda sobra ng catch me, dapat manood kayong lahat nakakkilig, nakakatawa tanggal ang problem nyo ang galing talaga ni ate sarah.

Leave a Reply

Your email address will not be published.