Sarah Geronimo, P25M ang talent fee para i-endorse ang isang pulitiko

TOTOO NGA BANG binayaran si Sarah Geronimo ng P25 million para i-endorse ang isang mayamang pulitiko?

Talaga raw bilib na bilib ang pulitikong ito kay Sarah kaya naman ginawa niya ang lahat makuha lamang ang serbisyo ng singer-actress. Actually, last year pa lamang ay limang bigating pulitiko na ang lumapit sa kampo ng Pop Star para i-endorse niya ang mga ito.

At hindi lang ‘yon. Bukod sa tumataginting na P25-M ay may kasama pa raw brand new house and lot na ibinigay kay Sarah. Ito raw ang kasama sa kasunduan ng kampo niya at ng pulitiko. Siyempre, sa bonggang subdivision ng politician nakatirik ang house and lot.

Gano’n? Aba’y bongga nga talaga si Sarah!

[ad#ad-text-links-1]

MASYADONG FORCING THROUGH ang sinasabing pag-iibigan nina Melai at Jason ng Pinoy Big Brother. Parang ayaw naming maniwalang sila na nga. Masyado kasing pinipilit ng Dos ang kanilang tambalan na nabuo sa Bahay ni Kuya.

Halatang-halata naman na gusto lang i-build up ng Dos ang comic tandem ng dalawa. At sina Melai at Jason naman, sige lang nang sige para nga naman magkaroon sila ng career. Ewan, pero hindi kami naniniwalang sila na nga talaga. Ang tingin namin, scripted ang lahat ng kanilang ginagawa noong nasa Bahay ni Kuya pa sila at lalo na nu’ng lumabas sila ng PBB House.

At hindi naman talaga nakakatawa si Melai. Noong una, kuwela ang kanyang pagsasalita in rapid fire motion pero kalaunan, wala na siyang sense. Para lang siyang sinapian. Ha-Ha-Ha!

Ang Dos talaga, parang desperado na magkaroon ng bagong comic love team kaya lahat ay gagawin nila mapasikat lang nang husto sina Melai at Jason.

Balita namin, gagawa ng movie ang dalawa. Well, strike while the iron is hot.

Female young star, sa sobrang laki na ng ulo pati tiyuhing aktor dinededma!

MUKHANG LUMALAKI NA ang ulo ng isang female young star.

Noong Christmas season kasi, isang kamag-anak na aktor ang nangumusta sa young star. Tinext niya ito ng ilang beses pero wala pa ring reply ang hitad.

Hindi nagkasya sa pagte-text ang aktor at tinawagan niya ang kanyang pamangkin pero deadma pa rin ito. Hindi sinasagot ng aktres ang tawag ng kanyang tiyuhin.

With this, sumama raw ang loob ng aktor sa kanyang pamangkin. Wala naman siyang intensiyon kung hindi kumustahin lang ang female star noong Christmas season.

Busy ngayon ang young female star sa kanyang bagong dyowa na hindi taga-showbiz. Kapag walang work ay madalas na magkasama ang dalawa. Sa isang party nga ng isang celebrity ay karay-karay ng young star ang kanyang dyowa.

Hanggang ngayon ay ayaw pang aminin ng young star na ito na dyowa nga nga niya ang non-showbiz guy na ito.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Previous articleStarstruck V finalist: Rocco Nacino, mas type gawing big star ng Siyete?!
Next articlePagkatapos ng Scarlet, Rubi naman: Angelica Panganiban, suwerte sa kulay pula!

No posts to display