Sarah Geronimo’s transfer to TV5, inevitable?!

OLA CHIKKA NOW na! Oh, no… oh, yes! Now na! Thanks God it’s Friday! Ratsada-heneral na naman tayo ‘pag Biyernes dahil hindi lang dito sa diyaryo ang tsismisan to the maximum authority of chikka, dahil meron na rin tayo sa internet na Pinoy Parazzi Live. At tuluy-tuloy pa rin ang tsismisan natin kasama ang aking co-host na si Kristine Dera ng Yes! FM. Kaya naman i-type n’yo lang  ang flippish.com sa internet. Pak! Mag-showbiz chikka top 3 kaya tayo para maiba…

SHOWBIZ CHIKKA TOP 3: Ayan simulan natin ang tsismisan dahil itong si Kris Aquino nga ay hindi tuloy ang pagtakbo sa 2013, at wala pa nga raw talaga siyang balak tumakbo. Pero tuluy-tuloy ang public service niya, kaya naman ang pakiramdam ko rito, mukhang hindi siya sa 2013 tatakbo, mukhang sa 2016 pa siya tatakbo.

Dahil nga pagkatapos ng trono ng kanyang kuya, mukhang si Papa Chiz Escu-dero, may balak tumakbo bilang presidente at ang magiging vice-president naman ay si Ate Kris Aquino mo.

Ano sa tingin n’yo, mga kaparazzi, win kaya ang lola n’yo?

SHOWBIZ CHIKKA TOP 2: At heto pa ang isang chikka. Usap-usapang ahas daw si Heart Evangelista, at ang tsismis ay inahas ni Heart si Papa Dingdong Dantes kay Marian Rivera. Hahaha!

Takot talaga ang ahas sa kapwa niya ahas! Dahil ang pagkakaalam natin, ahas nga rin itong si Marian, dahil inahas nga niya itong si Dingdong mula kay Karylle. Kung naaalala n’yo, ‘di ba?

SHOWBIZ CHIKKA TOP 1: Heto naman ang pinakamalamig na isyu ngayon, na talaga namang dahil sa insecurities, mukhang hindi na yata nakayanan ni Sarah Gero-nimo at kaya siguro napag-isip-isip na niyang lilipat na talaga siya sa TV5.

Kasi nga, mukhang wala na siyang pro-ject sa Dos, at siguro naman, tuwang-tuwa ngayon itong si Angeline Quinto, dahil masosolo na niya ang Dos. At for sure, ‘yung mga show na dapat ay para kay Sarah, sa kanya na mapupunta.

At ito ang chikka, pagkabalik nga raw ni Sarah mula sa States, diretso na nga siya sa TV5, dahil iisa rin pala ang manager nila ni Willie Revillame.

Hindi na ako magtataka!

AYAN TULOY PA rin ang show ni Pepe Pimentel sa prinodyus ni Engr. Bong Publico sa Metro Bar sa July 1, at free ang tiket n’yan… pak!!!

Kaya kung ako sa inyo, para sa more chikka… more fun, makinig kayo palagi sa programa ko kasama ko si lady Camille ang aking anak sa DWSS1494khz 11:30 hanggang 12:00 nn at every Sunday sa DZRH666khz 2:30 to 3:30 pm… ayan ha siyempre hindi mawawala ang PINOY PARAZZI LIVE tuwing Biyernes sa internet.

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articleMikael Daez snubs issue on video scandal!
Next articleHeart Evangelista bids showbiz goodbye?!

No posts to display