Sarah Geronimo’s Mommy Divine hated by fans?!

NAKAKALOKA TALAGA ITONG madir ni Sarah Geronimo na si Mommy Divine. Last Sunday, April 10, sa ASAP Rocks  ay nakiusap ang dalawang fan ni Sarah na magpakuha ng photo kasama ang dalaga. Ang dalawang tagahanga ay may-ari ng isang stall na sponsor ng Sunday musical variety show ng Dos.

Naparaan kasi ang mag-ina sa food stalls nang magdaan sila mula sa backstage. Lumabas si Sarah kasama ang nanay at siyempre ang kanyang security marshalls.

Game naman si Sarah na magpakuha ng photo kasama ang kanyang fans. In fact, pumoporma na nga ito at handa nang magpalitrato. Kaya lang, bigla raw nagmahadera ang ina nitong si Mommy Divine at niyaya si Sarah na umalis na sa lugar dahil may pupuntahan pa sila.

“Tayo na, tayo na Sarah,” sabi raw ng madir ng dalaga sabay hatak sa kamay ng Pop Star.

Siyempre, alerto naman ang bodyguards ni Sarah at bigla itong humarang para hindi makalapit nang husto ang dalawang fan ni Sarah.

Nadismaya nang todo ang dalawang taga-hanga ni Sarah, hindi sa dalaga kundi sa inasal ng ina nito.

“Gano’n pala ‘yon. Totoo pala ang tsismis tungkol sa mommy ni Sarah,” sabi raw ng isang dismayadong fan.

True ba ito, Mommy Divine?

PAULIT-ULIT NA TINANONG si Cristine Reyes tungkol sa pagbabati nila ni Sarah Geronimo. Sa presscon ng latest movie ni Cristine na Tumbok, paulit-ulit din ang kanyang naging tugon.

“Ayoko nang pag-usapan kasi baka sabihin… ayoko nang pag-usapan. ‘Wag na nating pag-usapan,” may halong pakiusap ng dalaga. Sinabi naman niyang hindi siya talaga kumportable na maging topic si Sarah sa kanyang interview. Feeling kasi niya, baka maakusahan siyang nanggagamit lalo pa’t may movie siyang ipalalabas.

“Magkaibigan naman kami,” sambit na lang ni Cristine sa mga nangungulit sa kanya.

Game naman ang dalaga na pag-usapan ang boyfriend na si Rayver Cruz. “Pareho kaming open. Pareho kaming nagkakaintindihan. Hindi namin sinasakal ang isa’t isa. Parang ang laki ng tiwala namin sa isa’t isa,” kuwento ng dalaga.

It helped that they’re very open in their relationship. This way, hindi sila nagtatago kaya nakakaiwas sila sa mga intriga.

“Oo para ano, walang tinatago ‘pag may nagtanong. Not naman super open, kasi siyempre kailangan din naman namin ng privacy.”

Ayon na rin kay Cristine, ang pagiging positive ni Rayver ang pinakanagustuhan niya sa binata. “Lahat ng positive parang nasa kanya na. Wala akong nakitang negative. Wala, puro lahat positive,” tsika pa ng younger sister ni Ara Mina. Ni hindi nga raw ito marunong magselos, kung magselos man ay idinadaan lang ito sa biro at hindi seryoso.

HINDI NA PALA tuloy ang Bagwis na pagbibidahan ni Gerald Anderson. Papalitan ito ng bagong show na hindi masyadong maaksyon.

Ang feeling ng Dos, hardcore action masyado ang Bagwis na hindi naman swak sa action-drama image ni Gerald. This is the reason why ABS-CBN decided to shelve it.

Anyway, the same cast of the said soap will compose the new TV starrer of Gerald. Kabilang pa rin dito sina Rayver Cruz, Jessy Mendiola at idinagdag si Zaijian Jaranilla. Ang alam namin, si Jewel Mische pa rin ang leading lady ng favo-rite leading man ni Kim Chiu.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

22 thoughts on “Sarah Geronimo’s Mommy Divine hated by fans?!

  1. Bet ko yung Gerald-Jessy team-up. Parang bagay! :) Mas okay umarte si Jessy kaysa kay Jewel. Peace! :) Maganda din naman si Jewel e.

  2. Abangan nyo may launching movie ndaw ang mudak ni sarah na si divine katambal si john lloyd, ang titulo ” Taena nyo lahat’ HEHE

  3. some people are so born narrow minded.you hated sarah just because she couldn’t take the pictures with you?ANG BABAW!!!Hindi ka naman iniwan lang basta, noh?nagsabi sya ng sandali lang po…that means there could be a lot of possible reasons why she didn’t had that picture with you…DUH!BE SENSITIVE ENOUGH!

  4. to Ms. Sarah Geronimo:
    You can’t pleased everybody, bawat isa may kanya kanya naman tlgang pananaw sa isang bagay. Basta tandaan mo nalang na kung may mga taong ayaw sayo, marami rin ang mga may gusto sayo at inaabangan ang bawat performance mo. Don’t mind what people say against you, walang gamot sa insecurity. Just be true to your heart. Kung alam mo sa sarili mong hindi tama ang mga paratang nila, then why worry? diba? basta ako, idol na idol kita.Kasi very talented ka, you’re different from other actress, bakit? kc sila if mawala na beauty nila, laos na sila.eh ikaw, tumanda ka man,mawala man ang beauty mo, di nun mababago ang ganda ng boses mo at patuloy kang mamayagpag dahil born-talented ka, hindi katulad ng iba na hanggang beauty lang. Sa katagalan, nakakasawa rin na puro mukha lang ang kayang ipakita. pero ikaw Sarah G. , nasayo ang lahat. :)

  5. ok si jewel, pero baka ma flop lang pag kasama si jessy mendiola…kawawa naman si ge. flop princess rin yan si jessy.

  6. mahiya naman kayo sobra nyo talagang sinisirahan si sarah anu hayyy naku wala kau magagawa dahil napakasikat nya at mabuti silang tao di gaya nyo na panay paninira lng

  7. hahaha ganyan ang mga ingitera wlang magawa sa buhay,,, kaya ganyan c sarah maraming blessings… gogogo sarah whag mo silang pansinin sila ang plastic hindi ikaw…. wow ang idol namin sikat na sikat maraming intrega,,,,hahahaha? thats life sarah basta sikat palaging hosgahan… we love you sarah you’re the number 1 idol… god bless you and take care congrats sa movie mo sarah ang sikat mo naman ate sexy marunong somayaw at lalo na s pg kanta… sikat na sikat… ang idol namin… sori mga anti…hahahaha

  8. Pwide ba!!! It’s not right to say that to her parents. How would like if someone your mother. I’am sure you be upset. You all need to respect older than like what parents asked you. If Sarah Gs mom is treating her daugther stupid then let it be, that’s their life is yours. Leave them alone, and give them a break…mine your own business. If you don’t have better things to do go sleep or keep yourself away from hurting people, coz I am sure you don’t want to be hurt. You all stay away from people’s life. You may can give hint to Sarah to start live her own lives coz she need learn how live without mom and dad. That’s all about it. Don’t hurt people’s feeling!!!Simple.

  9. Pag niligawan ko yan si sarah sigurado itatakwil na nyan ang magulang nya. Pag natikman nyan ang romansa espesyal ko sigurado ako ang boss nyan.

  10. naku, kahit anong paninira ang gawin nu kay Sarah, hndi na mgbabago ang pgmamahal at tiwala nming TOTOONG fans niya.. mabait kasi si Sarah at masyadong sikat kaya madaming tao ang gustong siraan xa, but sorry nlng kayo…

  11. naku ms. Elizabeth Wong naniniwala ako sayo, may bad experience na din kami ng bestfriend ko diyan sa Sarah na yan dito sa Toronto Canada,  true na sulpladita yan sa harap lang ng camera yan kunwari napaka bait, friendly at laging palangiti…madami kaming nagastos ng bestfriend ko sa bruha na yan VIP concert, dinner with Sarah binili pa namin ng gift  yan pero supladita pala picture lang di ka pagbibigyan…never na hahangaan ko pa yang BRUHA na yan dahil diyan sa maldita na yan pina cancel ko TFC ko pati tuloy ibang artista nadamay.

  12. Sarah can’t possibly please everybody and nor can you. If she gives in to everybody’s requests at every given moment, wouldn’t that be too taxing on her? I mean, she gets tired too you know. If you appreciate her as an artist you will see how much effort she pours into every performance that she makes. Give her a break. Sometimes, people forget, although she is a well known celebrity, she too needs some space and distance. And we have to respect that.

  13. Kau kya 2mayo s kalagayan ni Sarah,,,ung halos d n mkpgphinga dhil s dmi ng schedule,,ang kkpal ng face nio..puro kmalian ni Sarah nkikita nio eh hlos mgpkmatay n nga un tao mpsaya lng kau…at ska mlay ntin bka umeepal lng ung mga KUNWARI FANS PRA LNG MBLITA…kung idol nio tlga c Sarah maiintindhan nio cia pti pmilya nia…mghilamos nga kau mukhang wla kaung nkikita kundi kdumihan…IF U HATE SARAH…I HATE U MORE…

  14. tutuo namang supladita itong si Sarah – she ignored the request of my sister to have a picture with her. Nasa LAX kami and she was waiting for someone who was checking in for her. May kasama siya and they were in a cordon off area (may lubid lang naman) tapos we were outside the rope. She was talking with the other lady ng mag request ang sister ko for a picture. Ang sabi niya, sandali lang “PO”. Tapos, slowly ay lumisan sila ng kasama niya. She could just have stand inside the rope and pose with my sister pero iniwanan niya kami. Nadismaya ako talaga sa attitude niya – buhat nuon i do not watch her show anymore. mabuti nga at flop na ang mga shows niya pati na ang IDOL –

  15. —- plastic tlga yang si sarah geronimo….sa totoo lang kaya ganun behaviour nung nanay nya kase utos din yun ni sara kumbaga usapan na nilang mag ina yun.alam mo naman mga nanay di bale na sila ang masama hwag lang ang anak nila…..siguro sabi ni sara sa nanay nya na kapag may magpapapicture sa kanya kunwari hihilahin na sya…ayaw tlga ni sara mag papic kase gusto nyo bumili kayo ng picture nya like sa mga magazine at mga poster ng movie nya.gusto nya laging may bayad.like nung issue nila ni cristine at rayver.sabi nya may tamang panahon daw para magsalita sya…yun pala ang tamang panahon eh yun sa YES MAGAZINE kase may bayad.bago sya mag salita dpat may bayad..getz::)

Leave a Reply

Your email address will not be published.