Sarah G, member pa rin ng NBSB! – Boy Abunda

WE HAVE SEEN Sarah Geronimo bloom into a beautiful young lady since she first exploded into the limelight. As the country’s Pop Star Princess, Sarah has emerged as one of best artists of her generation. Pang-record breaking ang kanyang mga accomplishments as a box-office queen, recording artist, concert performer, television host at product endorser. Pero sa kabila ng kanyang tagumpay ay nananatili pa ring nakatuntong sa lupa ang mga paa ni Sarah.

A true champion, Sarah was the grand prize winner of Star For A Night singing contest. Sarah then sang her way into our hearts with her hit songs “To Love You More,” “Forever’s Not Enough,” “Sa Iyo,” “How Could You Say You Love Me,” “Lumingon Ka Lang,” “I Still Believe in Loving You,” “A Very Special Love,” “You Changed My Life,” among others.

[ad#post-ad-box]

She sealed her rightful place in the music industry as the Pop Star Princess with successful concerts here and abroad. Ang mga major solo concerts niya sa Araneta Coliseum (The Other Side, Sarah Geronimo In Motion, The Next One and Record Breaker) ay pawang mga huge crowd-drawers, patunay lamang na malakas talaga ang hatak ni Sarah.

What’s good about Sarah is that laging may bago siyang ipinapapakita sa kanyang concerts. Hinihigitan niya ang kanyang past concerts and she breaks her own record. Hindi man siya magpaseksi onstage, she compensates it with her great voice and powerful performances.

Naging blockbuster din ang kanyang pelikulang A Very Special Love at You Changed My Life opposite John Lloyd Cruz. Because of the huge success of A Very Special Love, John Lloyd and Sarah were proclaimed 2008 Box Office King and Queen by the Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation.

Sa lovelife, pang-record breaking din kaya si Sarah? At 21, she remains single. Mukha kasing career muna ang kanyang priority at nasa backseat ang usaping pag-ibig. Kahit maraming boys ang na-link at patuloy na inili-link sa kanya tulad nina Rayver Cruz, Erik Santos, Mark Bautista at John Lloyd Cruz ay nananatiling tikom ang bibig ni Sarah.
Inamin noon ni Sarah na pihikan siya at may set of standards for her ideal man. Lahat naman yata ng young girls ay dumaraan sa ganitong stage na dapat guwapo, mabait, tall, loving at sincere ang kanyang magiging boyfriend.

Pero kahit miyembro siya ng NBSB (No Boyfriend Since Birth), hindi naman nangangahulugan na dapat magmadali si Sarah sa paghahanap ng lalaking mamahalin. In my opinion, she can take her time, tutal bata pa siya and she has all the time to enjoy her life.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

8 thoughts on “Sarah G, member pa rin ng NBSB! – Boy Abunda

  1. Kawawang Sarah at John Llyod Cruz sa Ang Barat Station o Ang Bayot Station o Ang Bakla Station, Ang Binabae Station o Ang Bisaya Station lol!

  2. In an official statement made from the camp of VIVA big boss Vic Del Rosario, it was stressed that Sarah’s talent fees in the hit movies A Very Special Love and You Changed My Life were the same as her leading man in the movie, John Lloyd Cruz.
    “The P200,000 and P300,000 was the only approved amount by Star Cinema, which co-produced the two monster grossers with Viva Entertainment. Viva took care of paying the rest of Sarah’s talent fee that Viva thought due her. For the record, Sarah’s fee is the same as that of John Lloyd Cruz, her leading man in the two movies.”

  3. truelly a concert queen itiklop mo na pops yung maleta mo at umalis ka na, nandiyan na si sarah na di kailangang mag tangga dahil true talent talaga sya.

  4. wow!!!NBSB ang ngalan ng grupo namin sa skul at may mga 10 commandments kami…Sarah G. join ka sa min,,,gusto namin ipatatag ang NBSB sa buong pilipinas para makilala na hindi lahat na babae may mga BF….

  5. CONGRATULATIONS! masyado yatang pinagpala ang mga kapamilya stars this year. halos BLOCKBUSTERS lahat! more power this 2010 sarah and to all kapamilyas!

  6. she is definitely a TRUE RECORD BREAKER STAR,,THE BRIGHTEST,,HOTTEST AND BIGGEST STAR OF THIS GENERATION!!…NO DOUBT ABOUT IT!..wala syang kapantay,,at no one can beat her!!she is the best in all aspects!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.