Sarah G. and Mark Bautista leave for US tour

Mere or Less
by Nitz Miralles

SIGURADONG NAKAHINGA NANG maluwag at nawala ang tension at stress ng talents ni Annabelle Rama na may mga show sa GMA 7 dahil walang mapu-pull out sa kanila. Naayos ang problema ni Annabelle sa network nang makipag-meeting siya kay Atty. Felipe Gozon, Chairman, President and CEO ng Ch, 7 at Annette Gozon-Abrogar ng GMA Films last Monday sa Manila Polo Club.

Nagbanta kasi si Annabelle na ipu-pull out ang lahat ng talents niya sa Ch. 7 ‘pag hindi naayos ang problema niya rito. Si JC de Vera ang una niyang ipu-pull out at nagbigay siya ng deadline hanggang Saturday, ang date ng expiration ng kontrata ng actor at ‘pag wala pa raw nabigay na bagong project sa alaga, ililipat na niya ito sa ABS-CBN.

Pero, hindi na matutuloy ang paglipat ni JC dahil sa magandang resulta nang pag-uusap ng tatlo. Kaya naman, masayang nag-celebrate ng kaarawan ang actor last Monday sa Barrakz na isa siya sa mga may-ari.

Isa sa namurublema sa conflict nina Annabelle at Ms. Wilma Galvante ay si Ehra Madrigal na gaya ni JC ay ayaw umalis sa Ch. 7, pero walang magagawa kung ang manager ang magdedesisyon. Kasama si Ehra sa Totoy Bato, bilang GRO na magkakagusto kay Robin Padilla at makakaribal ni Regine Velasquez sa actor.

NGAYONG WEDNESDAY ANG alis nina Mark Bautista at Sarah Geronimo para sa US Tour nila na tatagal ng seven weeks. Kaya wala ang singer-actor sa premiere night ng Sundo sa March 17 at sa opening nito sa Mar. 18. Habang nandito, masipag si Mark sa pagpo-promote ng pelikula sa mga show ng GMA 7 at mall tour ng buong cast.

Excited pa naman si Mark dahil bukod sa first movie niya ito sa GMA Films, nakatrabaho niya ang idol niyang si Robin Padilla at nagkaroon ng chance na makasama ang GMA 7 talents na sina Katrina Halili, Rhian Ramos, Hero Angeles at Sunshine Dizon.

Starstruck si Mark sa first few scenes nila ni Robin, nabulol siya sa kanyang lines at nakalma lang nang maisip na kailangan niyang galingan ang acting para hindi mapahiya kay Robin, sa iba nilang mga kasama at kay Direk Topel Lee.

Samantala, alam ni Mark na may mga hindi sumang-ayon nang sagutin niya ang blind items sa kanila ng isang actor/ singer. Blind item daw ang mga lumabas at sa pagsagot niya, kinumpirma niyang siya ang nasulat.

Ang paliwanag ni Mark, kailangan na niyang magsalita dahil kung mananatili siyang tahimik, lalong lalala ang mga maling kuwento sa kanila ng actor-singer. Naaawa na rin siya sa kaibigang manhid na sa sunud-sunod na blind item. Alam niyang nasasaktan ito, hindi lang nagsasalita at nagrereklamo.

NAG-ABOT SA BAHAY ng guwapong actor ang actress/ girlfriend na ‘di gaanong sikat at ang ka-love team na gaya sa actor ay sikat din. Nauna sa bahay ng actor ang GF na obviously, pinapunta niya at habang masayang nagkukuwentuhan, biglang dumating ang ka-love team.

Nagkagulatan daw ang tatlo, pero gentleman ang actor at in-entertain ang ka-love team at ‘di naman pinaalis ang girlfriend na nakikinig lang sa kuwentuhan ng dalawa. Sandali lang ang ka-love team, hindi rin naman sila makapag-kuwentuhan nang matagal dahil nandu’n ang nobya ng actor. In fairness, nagpaalam ang ka-love team sa GF ng actor nang umalis, pero halatang nagkailangan sila.

Hindi pabor sa GF ang pamilya ng actor kaya hindi pa siya maipakilala, pero alam ng mga ito ang relasyon ng actor sa maganda, pero hindi kasikatang actress.

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.