Sarah does the ‘Nagpapanggap’

TAPOS AS IN tapos na ang bangayan at awayan sa pagitan nina Sarah Geronimo at Cristine Reyes nang sa hindi inaasahan ng lahat ng mahadera na nakasaksi sa kanilang mala-teleseryeng pagbabati sa hallway sa labas ng dressing room ng ASAP Rocks kamakailan. Sa paglabas ni Cristine ng dressing room eh, napadaan rin si Sarah kasama si Mommy Divine. Agad na niyakap ng Pop Princess ang dating nakaalitan na sexy actress at walang kagatul-gatol na humingi ng sorry sa aktres. Ang tanging nasabi lang daw ni Cristine ay ‘Ok na ‘yun!”. Nakakaloka ito, ‘di ba? Parang gan’un lang kadali ang lahat matapos ang maaanghang na salita na pinakawalan sa kanya noon ni Cristine?

Hmmm… masaya kami sa pagbabating ito ng dalawa. Pero ano naman ang tsikang ‘nagpapanggap’ lang daw si Sarah at ‘di raw bukal sa loob nito ang pakikipagbati? Ginawa lang daw ito para hindi maapektuhan ang kanilang bagong pelikula ni Gerald Anderson? P’wede ba, sa mga nag-iisip ng masama eh, tigilan na ‘yan, utang na loob! Ang mahalaga eh, OK na sina Sarah at Cristine. Ano kaya ang masasabi ng Pop Princess sa mga nang-iintriga pa, aber?

Photos by Luz Candaba & Fernan Sucalit

Ni MK Caguingin

Guesswhodoes
Pinoy Parazzi News Service

loading...

One thought on “Sarah does the ‘Nagpapanggap’

Leave a Reply

Your email address will not be published.