Parazzi Chikka: Sarah at Toni, cast sa stars war!

Nakakalokah talaga ang ating mga babaeng artista ngayon! Kung dati, Kapamilya vs. Kapuso lang, mukhang nagkakaroon na rin ng iringan ang ilan na nasa iisang bakuran lang. Good example nito sina Sarah Geronimo at Toni Gonzaga.

Parehong galing sa GMA-7 ang dalawang aktres pero sa ABS-CBN sila nagningning. Pareho rin silang talented. Ilan na ba ang hit songs nila? Ilang shows na ba ang nairaos nila nang maluwalhati? Ilan na ba ang box-office movies nila? Ilan na ba ang product endorsements nila? O, ‘di ba, nakakalula?

Bigla na lang kasing lumabas sa isang forum ang diumano’y “silent war” nina Toni at Sarah. Nag-umpisa raw ito nang maisipan ng isang film outfit na pagtambalin sina Piolo at Sarah. React agad ang fans ni Toni dahil matagal nang wish ng mga ito na magsama sa isang pelikula ang Sprite love team. Pero hindi na matutuloy ang unang plano kung kaya naisip naman ng film outfit na pagsamahin sina Toni at Sarah. How true naman kaya na ayaw ng kani-kanilang kampo ang diyamanteng ideyang ito?

Isa ring anggulo ang lumabas na may sulutan dalawa sa isang endorsement. Remember na endorser si Toni ng isang cosmetic line sa loob ng ilang taon pero bigla na lang siyang pinalitan ni Sarah. Aray!

May sulutan din daw sa pagiging Valentine queen dahil kung noon, si Toni ang palaging may pelikula kapag Araw ng mga Puso, mukhang si Sarah naman ngayon.

Sumilip din kami sa iba pang showbiz blogs at forums. Nakakalokah! Kasi marami ring fans ang nagdedebate sa kumpetisyon ng dalawa. May “stars war” nga ba? O baka mga miron lang ang gumagatong? Haha!

Hay, naku! Good luck na lang sa inyo, Sarah at Toni, noh! Magparami na lang kayo ng datung! Yun na!

Photos By Mark Atienza, Luz Candaba, Allan Sancon, Ronnie Bernaldo and Parazzi Wires

Parazzi Chikka

Related Post

loading...

11 thoughts on “Parazzi Chikka: Sarah at Toni, cast sa stars war!

  1. ANG TITLE NG MOVIE NA INAASAM MO AY “ANG PANGO, DULING AT ANG MANIAC”……..HAHAHAHAHAHAHA………ANG TEAM SONG NYAN AY SPOOF NG CLASSIC SONG NI KA FREDDIE (BULAG, PIPI, BINGI)…………..

  2. i love them both..
    huwag nyo clng pag-awayin..sana may movie cla..sam at toni sarag and gerald…dbah mas nice yon….

  3. i love toni. pero mas love ko si sarah. toni is good. sarah is better. magandang idea ung pagsamahin sa movie ang dalawa. pero mas sure akong si Sarah ang magdadala ng movie sa takilya. hindi pa naman nagiging BOX OFFICE QUEEN si toni e. un lan. :)

  4. Pareho silang wholesome at walang balita na nag aaway. Tigilan na silang dalawa. I love both Toni and Sarah.

  5. hmm.

    bakit po ba kasi pinag-aaway ang taong wala namang insecurities sa isa’t isa?

    yung movie naman na sinasabing pagsasamahan sana nila ay hindi pa nga naio-offer sa kanila…

    I Love SARAH G.at love ko rin si Toni…nalulungkot nga ako na hindi matutuloy ang movie na pagsasamahan nila…wish ko kasing magkasama sila kasi both of them have bubbly personalities…parang riot pag nagsama sila!woo…

  6. Fans from both camp never had a silent war! It’s NOT TRUE at all! We are all friends and okay.

    TONI G and Sarah G, both have CLEAN image, GREAT personalities, DOWN-to-earth, and are liked by many boys! They are a good example of how a celebrity should be today!

    Toni G fan forever~~~~~

  7. I love Toni G. Wala atang Star Wars. Gawa gawa lang nila iyon para pag awayin ang dalawa. Both shine in their own way, pero mas gusto ko si Toni.

Leave a Reply

Your email address will not be published.