SARAH AND JOHN LLOYD: BOX OFFICE ROYALTIES

Premiere Shots
by Faith Salazar / Jean Oli

Tiyak na pinatili at pinakilig nanaman nina Miggy Montenegro at Laida Magtalas ang buong Megamall sa premiere night ng pelikulang You Changed My Life noong Pebrero 24, 2009. In-interview ng Star Patrol ang Box Office queen and king bago pa man makarating ang cast sa Megamall. Umaapaw ang mga manonood sa labas pa lang ng sinehan – halos lahat ng mga nag-aabang ay wala namang ticket. Talagang gusto lang nilang masilayan ang kanilang mga idolo. Tinatalang 18M ang kinita ng You Changed My Life sa una nitong araw at umabot ito ng 100M sa unang linggo pa lang. Bongga, ‘di ba? Higit pa ito sa unang movie nilang movie na A Very Special Love na nakakuha ng 14M sa unang araw nito.

Ang post-Valentine romantic movie treat ng Star Cinema ay may malinis na pagkakak’wento at natural na natural ang pag-arte ni John Lloyd at Sarah bilang magkasintahan. Umikot ang conflict sa pagiging busy ang bunsong Montenegro (John Lloyd Cruz) sa trabaho at pagtupad ng kanyang pangarap kaya’t hindi na n’ya naaasikaso ang middle class employee girlfriend n’yang na si Laida (Sarah Geronimo). Ang ni-li-link naman kay Sarah na si Rayver Cruz ay pumapel bilang high school best friend, ang tauhang pinagseselosan ng rich kid na si Miggy.

May chemistry naman ang tambalang Sarah at Rayver pero hindi ito kasinlakas ng Sarah-John Lloyd tandem para makalikom ng malaking pera sa box office. I’m sure masasabi ng mga nakapanood ng pelikula na napaka-effortless magpakilig ni Sarah at John Lloyd. Kailan kaya masusundan ng teleserye ang tambalan nila?

Photos by Caty’s Angel

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.