Sara Lahbati, binasted na si Derrick Monasterio?!

NGAYONG WEEK na ito na magsisimulang mag-taping si Sarah Lahbati para sa bagong primetime series ng GMA-7 na Makapi-ling Kang Muli kung makakasama niya sina Richard Gutierrez, Carla Abellana, at Jennylyn Mercado. Sobrang excited na nga raw siya habang pinaghahandaan ito.

Kuwento nga sa amin ng young actress… “Ang role ko, bale laki akong Maynila. Pero magkakagusto ako kay Mark Anthony Fernandez. Hanggang sa mapapadpad ako sa rancho. Makikilala ko si Richard. At maraming mga twist na magaganap.

“First week pa nga lang ng script ang dami nang mga nangyayari. Na kapag binasa mo, parang… nakakaloka naman ‘to,  sobrang intense na!”

Dati ay maingay na napag-uusapan ang tungkol sa panliligaw ni Derrick Monasterio  sa kanya. Marami ang naiintriga kung bakit lately, parang nawala ang namumuong romance sa pagitan nila.

Narinig pa nga namin mula mismo kay Derrick na nagagalit daw si Sarah ngayon kapag nag-i-entertain ang young actor ng tanong about her.

Totoo nga bang hindi niya gustong nagiging topic pa siya ng mga interviews kay Derrick?

“Ha? Hindi, ah! Bakit naman? Hindi naman ako ano… walang ganu’n. Uhm… okey pa rin kami. Nagkikita sa rehearsals at live airing ng Party Pilipinas. Pero as friends.”

Binasted ba niya kaya natigil na ang panliligaw nito sa kanya?

“Ah… let’s say we’re both busy right now. And siyempre okey po kami na ganito.”

May isyu na nagselos daw siya nang nakipag-date si Derrick sa Indonesian young actress na gumanap bilang kapatid  ni Gwen Zamora sa The Witness, last time na narito sa Pilipinas ito kaugnay ng pagpapalabas ng nabanggit na pelikula.

At balitang do’n na raw nagsimulang manlamig ang pakikitungo niya kay Derrick.

“Basta as long as he is happy, ‘di ba? Eh ‘di, I’m happy na rin for him. Basta we’re both very busy and, uhm… focused on our careers.”

Gaano naman katotoong si Alden Richards naman daw ang pumuporma sa kanya. Parang nabuking nga ang young actor na may gusto sa kanya nang sumalang ito last time sa Don’t Lie To Me segment ni John Lapus sa Showbiz Central.

“Hindi ko talaga alam kung ano’ng sasabihin ko diyan,” nangiting reaksiyon ni Sarah.

“Eh kasi, kaibigan ko talaga si Alden. Dati pa. Matagal ko na siyang close. Tapos, ‘yon nga… napanood ko ‘yong interview sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang mapi-feel ko no’n!” tawa ulit niya.

“Kasi… ewan ko. ‘Yon lang. ‘Yon lang ang masasabi ko.”

Wala siyang napapansing sen-yales ng panliligaw ni Alden, like for example, he’s being extra nice, extra thoughtful, or extra sweet sa kanya?

“Ewan ko. Hindi talaga ako magaling sa ganyan. Ano ba ‘yong word para sa babae na ang ibig sabihin eh, torpe kumbaga sa mga lalaki? Kasi gano’n ako. Kasi ‘yong mga kaibigan ko, sinasabi… ano ba, Sarah? Kung hindi ko raw ba napapansin na ano… eh, basta. Sobrang hindi ko alam kapag ganyan na,” kung nanliligaw sa kanya ang isang guy ang ibig niyang sabihin.

“Honestly, natatawa ako. Kasi no’ng pinapanood ko (si Alden sa Don’t Lie To Me segment ng Showbiz Central), nagba-buckle siya! Ha-ha-ha!

“Sabi ko, bakit nagba-buckle siya? Natatawa lang ako. Kasi, kawawa naman siya. Parang na-pressure siya!”

‘Yun na!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

One thought on “Sara Lahbati, binasted na si Derrick Monasterio?!

Leave a Reply

Your email address will not be published.