Sapilitang Patakaran sa mga SG

 

0929-531xxxx – Boss Raffy, isumbong ko lang po itong security coordinator namin dito sa Ayala South na si Maj. Richard F. Castro. Ginagawa niyang gatasan kaming mga guard niya. Nagpapa-seminar siya na may bayad, wala namang certificate na ibinibigay. Nag-launch din siya ng bago niyang negosyong barber shop na kailangan daw sa kanya kami magpapagupit.

 

0912-217xxxx – Magandang araw po, Sir! Sana matulungan ninyo ako sa problema ko tungkol sa aking asawang namatay sa Saudi. ‘Di ko po alam ang gagawin ko, wala akong pamasahe papunta d’yan sa Maynila, taga-Negros po kasi ako.  Maraming salamat po!

 

0910-249xxxx – Idol good day po! Patulong naman na maim-bestigahan ang Cupang Elementary School, kasi may contribution na tig-P70 manonood daw ng palabas tapos doon daw kukuha ng questions para sa exam. Tama po ba ang sistema nilang ito?

 

0948-599xxxx – Sir Raffy, magtatanong lang po kung ano pong magandang gawin? Kasi nag-apply po kami papuntang Japan. Nadale po kami ng illegal recruiter at hindi na po nagpakita sa amin. Nakuhanan niya po kami ng pera kaya sana matulungan ninyo kami.

 

0915-905xxxx – Magandang araw po, Mr. Tulfo! Hingi lang po sana ko ng tulong sa inyo. Kasi may ipinadala po na balikbayan box ang mama ko galing Japan noong September 6 pa po thru LBC Transtech pero hanggang ngayon wala pa rin po. Hanggang ngayon ay pina-follow-up po namin pero wala silang matinong sagot kung nasaan na ang package. Sana po matulungan ninyo ako.

 

0909-380xxxx – Idol, pakipasadahan naman po ninyo rito sa Muñoz Roosebelt sa tapat ng simbahan ng Iglesia. Grabe po mangotong ang mga MMDA dito at biktima nila ang mga truck simula 5pm hanggang 11pm. Pinapara nila sa tapat ng PTT gasoline station at kinukotongan ng P200 to P500 bawat isa.

 

0923-739xxxx – Good day po, Sir! Tanong ko lang po kung bakit tuwing maghahatid kami sa Batangas Pier ng mga pasahero na sasakay ng bangka papuntang Puerto Galera ay iyong mga guard d’yan sa gate nanghihingi lagi ng P50 bawat sasakyan. Wala namang resibo na kapalit. Tama po ba ito o mali? Sana po maging malinaw po sa amin ito.

 

0926-361xxxx – Magandang araw po Idol! Sumbong ko lang po ang titser dito sa St. Anthony Elementary School sa Cainta, Rizal. Ms. Perlita Dagdag po ang pangalan. Malupit daw po sa mga estudyante niya dahil hinuhubaran po ng short ‘pag mai-ngay.

 

0948-256xxxx – Magandang araw po Idol, Raffy! Pakikalampag naman po ninyo ang tanggapan ng LTFRB dahil sa taas ng pamasahe sa bus. Galing Tabako Pier Bikol to Manila, malapit man o malayo ang babaan, parehas lang ang pamasahe – P500. Wala bang ngipin ang LTFRB para ma-control nila ang pagtaas ng pamasahe sa mga provincial bus? Dati P350 lang mula Bicol hanggang Manila, ngayon P500 na!

 

0910-319xxxx – Sir Tulfo, puwede po ba ako humingi ng tulong sa inyo tungkol sa high school diploma ng anak ko? Ayaw kasing ibigay ng school na kanyang pinapasukan, ang dami pong dahilan ng principal. Please help me kung ano po ang magandang gawin. Ganoon ba kahirap kumuha ng diploma sa eskuwelahan? Sana matulungan ninyo kami.

 

ANG INYONG lingkod ay napakikinggan sa programang WANTED SA RADYO sa 92.3FM, Radyo5, Lunes hanggang Biyernes, 2:00 – 4:00pm. Ito’y kasabay na mapapanood sa AksyonTV Channel 41. Para sa inyong sumbong o reklamo, mag-text sa 0917-7WANTED.

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.