Sapilitang Fundraising ni Ma’am!

 

• 0908458xxxx – Mr. Idol Raffy Tulfo, ako po ay isang concerned citizen. Dito po sa lugar ng Ilaya, Mandaluyong City. Mayroon pong isang eskuwelahan na sapilitang nagpapabenta ng mga tiket para raw po sa isang fundraising. Ang eskuwelahan pong ito ay ang Ilaya Barangka Integrated School. Ang bawat estudyante po ay obligadong magbenta ng hanggang dalawang booklet kada estudyante. Naaawa lang po kami sa ibang mga magulang na hirap na ngang magbigay ng baon sa kanilang mga anak ay madadagdagan pa ng ganitong klaseng gastos. Sana po ay matugunan ninyo ang aming problema.

 

• 0927533xxxx – Mr. Action Man, nais ko po sanang isumbong sa inyo ang talamak na pangongotong ng dalawang MMDA dito sa lugar ng Coastal Mall corner Ninoy Aquino Avenue. Ang kanila pong istilo ay iba ang naka-assign sa mga pumapara sa mga motorista. At iba rin po ang nakikipag-usap kapag tumabi na ang mga nahuling motorista. Kaya po sila nakakapangotong dahil lumalabas sila sa linya. Sana po ay maisumbong ninyo sa kanilang pinuno ang kanilang maling gawain. Lubos po kaming umaasa sa inyong pag-aksyon sa aming problema. Maraming salamat po.

 

• 0923268xxxx – Sir Raffy Tulfo, gusto po naming magpatulong sa inyo sa pamamagitan ng inyong programa. Mayroon po kasing isang pulis na sobra ang pagka-abusado. Napakarami pong kaso nitong pulis na ito sa aming lugar. Sobra ang pang-aabuso sa kapangyarihan ng pulis na ito. At kahit po humingi kami ng tulong sa 117 o sa aming mayor ay walang aksyon na nangyayari. Naghahari-harian sa aming lugar ang pulis na ito. At kilala rin po ito na tulak ng ipinagbabawal na gamot. Napakaraming buhay po ang sinisira ng pulis na ito. Ang pulis na ito ay nagngangalang Johnny Canseco. Sana po ay mabigyan ng leksyon ang taong ito para matigil na ang kasamaan at pang-aabuso ni Johnny. Maraming salamat po.

 

• 0923429xxxx – Idol Raffy, isusumbong ko po sa inyo ang mga pulis-Valenzuela. Tuwing alas-singko po ng madaling-araw, sa harap ng Holy Trinity Church sa Barangay Linguran,Valenzuela City ay nangongotong ang mga pulis dito. Ito po ay may body number na 414. Tulungan po ninyo kami idol para masugpo na ang kanilang maling gawain.

 

• 0918571xxxx – Mr. Tulfo, ipapaalam ko lang po sa inyo ang iligal na ginagawa ng aming Chief of Police dito sa lugar ng Barangay Lipatan, Calatagan, Batangas. Mayroon po itong patupada ng sabong tuwing Lunes hanggang Biyernes. Matagal na po namin itong isinusuplong sa mga may kapangyarihan pero nananatiling bingi at bulag ang mga ito. Kayo na lamang po ang inaasahan namin na makakatulong at makakapagbigay aksyon sa aming problema. More power po sa inyong show. Mabuhay po kayo.

 

ANG INYONG mga sumbong ay masosolusyunan sa programang WANTED SA RADYO sa 92.3 News fm at Aksyon TV. Ito ay pansamantala namang mapapakinggan at mapapanood tuwing 12:30-2:00pm, Monday thru Thursday at 2-4pm, Fridays. Babalik ito sa regular na 2-4pm weekdays timeslot pagsapit ng February 27. Ang T3 (Sagot Kita Kapatid) sa TV5 ay mapapanood sa bago na nitong timeslot na 5:15pm, samantalang ang Balitaang Tapat ay 1:30pm na, Lunes hanggang Biyernes pa rin.

 

Shooting Range
Raffy Tulfo

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.