Sapakang Coco Martin at Matteo Guidicelli, gimik lang para sa pelikula ni Maja Salvador?!

HINAHARANG NA TALAGA ngayon ng mga taong nakapaligid kay Maja Salvador ang mga gusto pang mag-urirat ng tungkol sa isyung may kinalaman tungkol sa kontrobersiyal na sapakan nina Matteo Guidicelli at Coco Martin na nangyari sa ginanap na Star Magic Ball.

Sa premiere night ng pelikulang Thelma ng Time Horizon Pictures na idinaos noong September 6 sa Greenbelt 3, Cinema 2, nagparamdam na kaagad sa press ang handler ng young actress na huwag na lang daw interbyuhin si Maja tungkol sa naging alitan nina Matteo at Coco.

Pagkatapos ng premiere night, nakorner naman namin si Maja, at kung ang hitsura niya ang titimplahin ay halata namang na okey na siya, dahil masaya na siyang magkuwento, lalo pa’t ang natatanggap naman niyang mga papuri mula sa mga taong nanood ay maganda talaga ang kanyang pelikula.

Pero dahil tsikadora nga si Maja, parang natatawa siya na nahihirapan sa sitwasyon, na kapag humihirit at inilalapit ng press ang tanong tungkol sa upakan nina Matteo at Coco, humahanap siya ng paraan para lumusot at mailihis ang isyu, kaya bumabalik lang sa kuwento ng kanyang pelikula ang tsikahan.

Pero kahit naman hinaharang ngayon si Maja na makapagsalita tungkol sa alitan nina Matteo at Coco na damay siya, mahahanapan iyan ng pagkakataon kung kailan niya mailalabas ang gusto niyang sabihin. Pinalalamig lang siyempre ng Star Magic ang sitwasyon, dahil ito ang mainit na pinag-uusapan ngayon sa showbiz.

Naiipit kasi si Maja, dahil pinagbibintangan siya ngayon, na dahil producer din siya ng Thelma kaya diumano’y nagpakontrobersiyal siya para magkaroon ng ingay ang nasabing project habang nalalapit ang showing nito.

 

PAGLABAS NAMIN NG Cinema 2 ng Greenbelt 3, nagbubulungan ang mga taong nanood ng pelikula ni Maja. May pinagtitinginan kasi silang isang guwapo at matangkad na lalaki. Si Dingdong Dantes daw, kaya medyo lumapit kami sa direksiyon na sinasabi nila sa tapat ng isang restaurant.

Nang tanungin namin ang kasamahan sa panulat na si Ate Linda Rapadas, sabi niya ay si Dingdong nga raw ‘yung nakatalikod na may kinakausap, at kasama raw si Marian Rivera. Nang humarap na sa amin sina Marian at Dingdong, mabilis naman ang kanilang mga kilos at paiwas nang naglakad papalayo na magka-holding hands, kaya hindi na lang namin tsinika.

Obviously, sobrang okey pa rin ang kanilang relasyon, ‘di tulad ng mga kumakalat na tsismis na parang nagkakalamigan na ang dalawa. Kuwento ni Ate Linda Rapadas, parehong busy ang dalawa ngayon. Hataw si Marian sa taping ng teleseryeng Amaya ng GMA-7, ganu’n din sa shooting ng Panday nila ni Sen. Ramon “Bong” Revilla, Jr. Si Dingdong naman, pinagkakaabalahan ang mga plano para sa pelikulang pagtatambalan nila ni Kris Aquino, dahil producer din daw ang actor.

Naroon din at hindi iniistorbo ng mga tao ang magkasintahang sina Jolina Magdangal at ang singer na si Mark Escueta na malapit na ring magpakasal, dahil nagpaplano na sila. Blooming ang byuti ngayon ni Jolens dahil nagmukha rin siyang mas bata ang hitsura. Pinagbubulungan naman ng mga tao na para raw masyadong mahinhin kumilos si Mark.

 

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

One thought on “Sapakang Coco Martin at Matteo Guidicelli, gimik lang para sa pelikula ni Maja Salvador?!

Leave a Reply

Your email address will not be published.