Santo Papa, Hihingin na ang tulong vs RH Bill

NAGPAPASAKLOLO NA kay Pope Benedict XVI ang mga grupong kontra sa kontrobersiyal na Reproductive. Ito ay matapos na matalo ng siyam na boto, 113-104, sa ginanap na botohan kahapon ng madaling-araw sa Kamara.

Sa pamamagitan ng Twitter, nanawagan ang mga anti-RH groups sa Santo Papa na kasamang ipanalangin ang Pilipinas na ngayon umano ay nahaharap sa “spiritual battle” kontra sa RH bill.

Sa panig naman ni 8-division world champ-ion Manny Pacquiao, lalo umanong lumalim ang pagpapahalaga niya sa kahalagahan ng buhay, kasunod nang sinapit na pagkatalo sa huling laban kay Juan Manuel Marquez sa Las Vegas.

Sa paliwanag ni Pacquiao na siyang kinatawan ng lone district ng Sarangani sa Kamara kaugnay sa mainit na usapin ng RH bill, ikinuwento nito kung paano natakot ang kanyang pamilya at mga kaibigan nang mapuruhan siya ng solid right punch ni Marquez.

Hayagan namang inakusahan ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez ang Malacañang na umano’y nasa likod sa pag-pressure sa mga kongresista para suportahan ang panukalang batas.

Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ng mambabatas ang presensiya nina Budget Sec. Butch Abad, Interior Sec. Mar Roxas at Presidential spokesperson Edwin La-cierda sa Kamara, habang isinagawa ang mainitang debate at botohan kahapon ng madaling-araw.

(PARAZZI ROPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.