SANTO PAPA DAPAT SUNDIN NG CBCP

DISOBEDIENCE, PARE-KOY, ANG tawag sa anumang hindi pagsunod sa nakatataas na otoridad, maging ito ay sa batas ng tao o sa batas ng Diyos.

Lalo na sa batas ng Diyos, mawawalan ng saysay ang lahat ng mga doktrina at aral ng isang Simbahan kung ang ilang namumuno sa Simbahan ay hindi marunong sumunod sa nakatataas sa kanila.

Kaya pinapayuhan natin ang mga obispo na sundin nila ang doktrina at paninindigan ng Santo Papa.

Direktahin na natin, parekoy, itong istorya ng paggamit ng condom.

Kamakailan lang kasi ay nagpahayag ang Santo Papa na “kung kinakailangan, upang hindi kumalat ang sakit gaya ng AIDS ay mas makabubuting gumamit ang isang tao ng condom.”

Maliwanag, parekoy, ang paninindigan ng Santo Papa na maaaring gamitin ang condom.

Kaya nga itong mga kasapi ng CBCP ay tigilan na ang pag-akto na akala mo “they are more popish than the Pope.”

Ang masakit nito, parekoy, pinipilipit ng ilang obispo itong pahayag ng Santo Papa.

Ayon sa kanila, kung sakali mang pumayag ang Pope sa paggamit ng condom, ito ay patungkol lamang diumano sa isyu ng “huwag kumalat ang AIDS.”

Lintek na pahayag ‘yan, anong kung sakaling pumayag ang Pope…

Hayan eh, maliwanag pa sa sikat ng araw na pumapayag na nga!

Uulitin natin, parekoy, payag na ang Santo Papa na “talukbungan ng condom” ‘yang kakisigan ni manoy!!!

Tumpak lang ang desisyon ng Papa, na walang silbi kung maninindigan ang Katoliko sa nauna na nitong “dogma” kontra sa condom kung ang mailalagay naman sa “balag ng alanganin” ay ang maraming buhay na posibleng mahawa ng AIDS o anumang nakakahawang sakit sa pakikipagtalik.

Kaya hindi na dapat makipag-debate pa ang mga obispong ito kung saan gagamitin ang condom… kung “pang-kontra ba sa pagkahawa ng AIDS o kaya ay panlaban sa pagdami ng tao.”

In short, nilinaw na ng Santo Papa na p’wedeng gamitin ang condom.

Kaya wala na sigurong debate pa kung ilang condom ang isusuklob mo kay manoy.

Wala ng tanong pa kung paano at bakit ito isusuklob!

Ang mahalaga maaari na itong sukluban.

Piryud!!!

INAANYAYAHAN ko po kayong makinig sa aking programa sa radyo tuwing 6-7 ng umaga, Lunes hanggang Biyernes sa DZME 1530kHz (dulong-kanan sa inyong talapihitan).

Ang programa ng inyong lingkod “ALARMA Kinse Treynta” ay maaari rin po ninyong mapanood sa internet sa ganu’n ding oras. Mag-log-on lamang sa www.dzme1530.com.

Target
ni June Briones
jabriones10@yahoo.com
09152121303

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.