Santino might be missing out on his childhood

NATAWA KAMI SA hirit ng tinatawag ngayong “Miracle Boy” na si Zaijian Jaranilla, dahil sa ginagampanan nitong papel as Santino sa hindi binibitiwang panoorin sa Primetime Bida ng ABS-CBN na May Bukas Pa, nang makaharap namin ito kasama ang iba pang members ng media recently.

Minsan daw sa taping nila kasi sa Bacolor, Pampanga, may isang matandang lumapit sa kanya. Hinawakan daw siya nito sabay sabing pagalingin niya.

Inusisa ng mga kaharap si Zaijian kung ano ang ginawa niya. Wala naman daw. “Parang lasing lang naman po!”

Nami-miss na nga raw niya ang paglalaro at pamamasyal sa mall. Pero kung malapit ang taping niya sa isang mall, doon lang siya nagkakaroon ng kapirasong oras para sumaglit.

Kung sa nakaraang kuwento namin eh, si Charice Pempengco ang iniwan ng kanyang ama noong tatlong taong gulang pa lang siya, si Zaijian naman, eh maliit pa rin nang maghiwalay ang kanyang mga magulang. At nasa poder siya ng kanyang amang si Zenon, kasama ang dalawa pa niyang kapatid na lalaki. Kahit na sinasabi niyang gusto pa rin niyang magkasamang muli ang kanyang mga magulang, ang tatay na niya ang nagsasabing hindi na ito mangyayari.

Nakakatuwa ngang makausap ang bagets na ito na so very unaffected. At ni walang ideya na ganito na siya kasikat sa panahong ito. Dagdag pa ng kanyang ama,’yun ang isang bagay na ini-instill nila sa murang isip ni Zaijian para hindi lumaki ang ulo nito, na isa pa rin siyang normal na batang uma-acting lang sa harap ng kamera.

OH, YES! PINAGKAGULUHAN nga ng press at TV crew na nagsidalo sa birthday party ng katotong Archie de Calma ang pagkikita ng mag-ex na sina Jomari Yllana at Ara Mina.

Hindi nakatanggi ang dalawa nang hilingan ng mga guests na mag-duet at dalawang songs pa ang inawit nila.

Sabi ni Ara, na painit nang painit ang mga eksena sa kanyang afternoon soap sa GMA 7,na wala siyang dapat na ikailang kay Jom dahil naging magkaibigan na sila uli nito. In fact, nagsama na nga sila sa Maalaala Mo Kaya.

Nagbibiruan na nga ang dalawa na ikinakilig naman ng mga nakakakita. Lalo na nang magparinig si Jomari na wala siyang problema dahil wala siyang karelasyon ngayon. Si Ara raw ang meron na. Na sinasagot naman ng aktres. Dagdag pa ni Jomari, hindi siya seloso. Baka ang non-showbiz boyfriend daw ni Ara ang seloso at magalit. Sagot naman si Ara na mabait at understanding ang kanyang present beau.

Samantala, ipinahahatid naman ng Fearless producer ang official statement ng manager ng isa sa dalawang David na magpe-perform sa SM Mall of Asia Concert Grounds sa Sabado (May 16) ito hinggil sa pagpanaw kelan lang ng nakatatandang kapatid ni David Cook na si Adam:

“David and his family would like to say thank you for everyone’s thoughts and prayers. Please don’t worry, as the show will go on as scheduled. David is looking forward to seeing all his fans in Manila.”

Ilang araw na lang, kaya punta na sa Ticketnet at Ticketworld outlets.

Tinanong namin si Ara kung manonood ba siya ng “David Cook and David Archuleta Live in Manila”. Meron daw siyang taping on that day.

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.