Santelmo, lumitaw sa simbahan

PINAGKAGULUHAN NG i-lang mga residente ang pinaniniwalaang santelmo na nakita malapit sa simbahan ng mga Katoliko sa bayan ng Ivisan, Capiz.

Ayon kay Michelle, isa sa mga nakasaksi sa pinaniniwalaang santelmo o St. Elmo’s Fire, nagulat na lamang sila ng kanyang mga kaibigan nang mapansin ang bolang apoy na nakalutang sa hangin malapit sa simbahan.

Sinabi nito na una nilang inakala na ang liwanag ay nagmula sa kumbento ng simbahan, ngunit kanilang napansin ang pasayaw-sayaw na ilaw na kulay na pinaghalong asul at puti.

Aminado naman si Michelle na binalot sila ng takot dahil biglang nawala ang apoy nang lapitan nila at muling sumulpot nang sila ay nakalayo sa lugar.

Samantala, inaabot pa aniya ng halos 10 minuto ang pagpapakita ng nasabing santelmo hanggang sa nakiusyuso na rin ang ilang mga residente sa naturang lugar. (PARAZZI REPORTO-

RIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.