Sanitary landfill na inirereklamo, walang amoy

SAN JOSE DEL Monte City – Malaki at makabagong engineered sanitary landfill na matatagpuan sa Bgy. Minuyan ng nabanggit na lungsod ang siyang tutugon sa problema sa basura hindi lamang sa probinsiya ng Bulacan kundi pati na sa Metro Manila.

Sa isinagawang inspection ng Department of Environment  and Natural Resources at Environment Management Bureau ang loob ng Vicente Geodote Puyat (VGP) Sanitary Landfill, kung saan personal na nasaksihan ni DENR Sec. Ramon Paje at Region 3 Director Lormilyn Claudio ang modernong teknolohiyang ginagamit dito na makakalikasan, hindi tulad ng open at controlled dumpsites.

Ang naturang sanitary landfill na binabatikos ng mga pari, pulitiko at mga residente ay may kabuuang sukat na 120 hektaryang lupain na naka-propose sa sanitary landfill, at nasa 40 hektarya pa lamang ang nakahanda.

Ayon kay Raymond Puyat, presidente ng VGP Sanitary Landfill, hindi nakasisira sa kalikasan at wala masamang epekto sa kapaligiran naturang imbakan ng basura.

Sa interview ng Pinoy Parrazzi kay Mr. Puyat, malaking kabaligtaran ang paratang na sinasabi ng mga oposisyon sa proyektong ito.

“Hindi ito makakasama sa kalikasan ang sanitary landfill na  dumaan sa matinding pag-aaral at hinawakan ng mga magagaling na tao sa ganitong larangan. Hindi ito makaaapekto sa kalusugan ng mga naninirahan sa paligid nito,” ani Puyat.

Ipinaliwanag pa ni Puyat na napakaimposible ng mga negatibong sinasabi ng ilan, dahil kung ito’y makasasama sa ating kapaligiran, ang kanilang negosyong Golf sa lugar ang unang tatamaan.

Aniya, bukod sa soil cover ng basura sa sanitay landfill, ito ay nilalagyan din ng deodorizing enzyme para huwag magkaroon ng mabahong amoy sa kapaligiran at meron ding liner system at leachate collection system na inilalagay sa ilalim ng basura para masigurong  hindi tatagas sa lupa ang kontaminadong tubig.

At dahil mayroong soil cover ang basura, at gumagamit din ang naturang kumpanya ng (HDPE) High Density PolyEtheline, hindi dadapuan at pamamahayan ng mga peste tulad ng daga, ipis o langaw na sa ganitong pamamaraan, napaka-imposibleng magdala ng sakit sa mga tao ang tambakan ng basura.

Binanggit din ni Puyat na meron ding gas collection system para hindi mapunta sa ozone layer ang gas na dulot ng mga chemical reactions mula sa mga basura.

Ang katas na magmumula sa basura ay mapupunta naman sa apat na level na kalalagyan hanggang tumining at maging gamit pandilig sa halaman at iba pa.

“Ang aming sanitary landfill ay tatagal ng 60 taon kung dito dadalhin ang mga basura sa buong Bulacan at 30 taon naman ang itatagal ng operasyon kung ang basura ng Metro Manila ay dadalhin din dito.” Sabi pa ni Puyat.

Idinagdag din ni Puyat na bukas ang kanilang sanitay landfill sa mga bumabatikos na silipin at tignan ang moderno at maka-kalikasang pro-seso na ginagamit nila.

Aniya, ang proyektong Sanitary Landfill ay sinasabing aprubado na ni Governor Willy Alvarado at San Jose Del Monte City Mayor Reynaldo San Pedro. Ipinaliwanag nito na ang nasabing engineered sanitary landfill ang pinaka-modernong teknolohiya sa pamamahala at disposal ng basura na naayon sa Republic Act 9003 o ang Solid Waste Management Act.

(TONY DELA PENA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.