Sanglaan, Inatake ng 15 Suspek

PINASOK NG 15 armadong suspek ang isang pawnshop sa Gonzaga Street sa Bacolod City kamakailan.

Pawang nakasuot ng bonnet ang mga suspek nang pasukin nito ang F&C Pawnshop.

Sinabi ng mga nag-iimbestiga na binulaga ng mga suspek ang mga empleyado ng sanglaan maging ang dalawang gwardya nito.

Nagtagal lamang ang pagpasok sa sanglaan sa loob ng tatlong minuto.

Hindi pa naman tukoy kung magkano ang halaga ng natangay ng mga salarin.

Samantala, wala namang nasaktan o nasawi sa  nasabing panloloob.

Nagawa umanong mahabol ng mga pulis ng getaway vehicle ng mga suspek ngunit nakatakas ang mga ito.

Pinaniniwalaan namang pawang mga miyembro ng Ozamis-Parohinog crime group ang 15 suspek.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.