Sanglaan, Hinoldap ng 3 Kawatan

HINDI TULOY nakuhanan ng closed circuit television ang panghoholdap ng tatlong hindi pa kilalang mga suspek kabilang ang isang babae dahil sa brownout sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Sa pahayag ni Albert Batac, empleyado ng Best Gold Pawnshop sa A. Mabini St., Sangandaan ng lungsod, alas-5:15 ng hapon, nasa labas siya ng sanglaan habang nililinis ang salamin nang magsilapitan ang mga suspek at hatakin siya papasok sa loob.

Habang nakatutok ang mga baril ay pinabuksan ng mga suspek ang vault ng sanglaan kung saan nakalagay ang laptop, PSP play station, digicam, 3 mamahaling cellphone na mga nakasanla at cash na P950,000.

Matapos kunin ay tumakas na ang mga suspek kung saan hindi nakuhanan ng nakakabit na cctv dahil walang kuryente.

Wala ring guwardiya ang nasabing sanglaan kung kaya madaling naholdap ng mga suspek, kung saan nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga pulis.

 (MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.