Sangkot sa Pagpatay Ex-Mayor ng Gapan City, Ipinadarakip

MAAARI NANG arestuhin si dating Gapan City Mayor Ernesto L. Natividad dahil sa kasong pagpatay base sa inilabas na warrant of arrest order ni Nueva Ecija Regional Trial Court-National Capital Judicial Court Branch 8 Judge Felixberto T. Olalia, Jr.

Ito’y matapos lagdaan ng nasabing judge ang naturang order of arrest nito lamang Enero 25, 2012 laban sa dating alkalde ng Gapan City, kung saan walang inirekomendang piyansa ang korte laban sa dating alkalde kasama rin sa ipinaaresto ang isang Romeo Natividad dahil sa kaso ng pagpatay.

Matatandaang isang resolusyon na inilabas ng Office of the Ombudsman ang nagsasangkot kay Natividad at dalawang iba pa na sina @Romeo at Ricardo Peralta sa kasong pagpatay sa magkapatid na Emerson at Ebertson Pascual sa Gapan Coliseum and Cockpit Arena sa Gapan City, Nueva Ecija taong 2006.

Sa nabanggit na resolusyon, kinatigan umano ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang isang mosyon ng nagrereklamong si Cristina D. Pascual, residente ng San Vicente, Gapan City, na humihiling sa pagbasura sa isang nauna nang kautusan ng tanggapan na may petsang Abril 8, 2009.

Dahil dito, iniutos ni Ombudsman Morales na agad na isama sa information for murder sina Natividad, Romeo at Peralta.

Aprubado rin at muling pinagtibay ng Ombudsman ang Supplemental Resolution ng Department of Justice na may petsang Agosto 21, 2007 at Review Action ng kanyang tanggapan na may petsang Pebrero 10, 2009.

Kaugnay nito, tumanggi namang magbigay ng opisyal na pahayag sa media si former Gapan City Mayor Natividad.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.