Sangkot sa pagdukot kay Ces Drilon ABU SAYYAF MEMBER, ARESTADO

NALAMBAT NG MGA awtoridad ang isang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) na sinasabing sangkot sa kidnapping sa grupo ng TV Reporter na si Ces Drilon, noong Martes.

Kinilala ito na si Sali Said, 20-anyos, na inaresto sa port area sa Jolo, Sulu ng mga tauhan ng Military Intelligence.

Ayon kay Brig. Gen. Romeo Tanalgo, pinuno ng Sulu Joint Command, si Said ay miyembro ng Urban Terrorist Team ng Abu Sayyaf sa ilalim ng liderato ni Jamiri Jawhari na nag-o-operate sa lalawigan.

Bukod sa pagdukot sa grupo ni Drilon, sangkot din aniya ito sa pagpatay sa ilang sundalo at pulis sa lalawigan. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.