Sangkot sa Hayden sex videos, RUMESBAK SA DOJ!

NAGTUNGO KAHAPON (HUNYO 25) sa Department of Justice (DoJ) ang tatlong “accessories to the crime” na isinangkot ni Katrina Halili sa kanyang reklamo laban kay Dra. Vicki Belo. Nagpasa ng kani-kaniyang counter-affidavit sa nturang tanggapan sina Erik Johnston Chua, Herbert ‘Bistek’ Rosario, at Princess Velasco, kasama ang kani-kaniyang abogado.
Hunyo 8 nang magtungo si Katrina, kasama ang abogado niyang si Atty. Raymund Palad, sa DoJ upang pormal na ihain ang kanyang reklamo laban kina Dra. Belo, Chua, Rosario, at Velasco.
Ayon sa report, may kaugnayan ang apat sa pagkalat ng sex videos ni Dr. Hayden Kho, kasama ang iba’t ibang babae, kabilang na si Katrina. Ito ay base na rin sa affidavits ni Chua, na itinuturo si Dra. Belo na siya lang may hawak ng master CD, at siyang huling humawak.
Naisama naman ang pangalan ni Velasco sa reklamo ni Katrina dahil binanggit siya ni Chua sa kanyang affidavit na lumapit diumano kay Dra. Belo tungkol kay Hayden. Ayon sa statement ni Erik, pinuntahan ni Princess si Dra. Belo sa tahanan nito sa isang exclusive subdivision sa Makati City upang ibunyag dito ang “illicit affair” nila ni Hayden.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.