Sangkaterbang showbiz na gustong pumasok sa pulitika, kaloka!

OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! More chikka, more fun na naman tayo. Maloloka ka talaga sa Earth!

At para naman sa bonggang-bonggang chikka, kaloka naman itong mga artistang matunog ang pangalan na papasok sa pulitika sa taong 2013.

Nangunguna sa listahan si Bossing Vic Sotto na kahit sa kanyang noontime show na Eat Bulaga, parang sinasamba na ang pangalang Bossing, at isang taon ang birthday, halos araw-araw, siya ang binibigyan lagi ng importansiya sa show.

Ang kasama niyang si Joey de Leon, parang give way na kay Vic, at mga flower vase na lang silang lahat sa show. Halatadong nangangampanya na ang dating. Kasi may temang public service na ang portion ng Juan For All, All For Juan.

Kaya nga si Herbert ‘Bistek’ Bautista ay parang nakikiusap na ‘wag naman, bossing! Kasi matunog na tatakbo itong mayor ng Quezon City. Pero marami ang nagsasabing sa Senado raw tatakbo si Vic. Ano ba talaga, kuya?

Isa pa rin itong si Willie Revillame na hindi mo malaman kung tatakbo. Kasi parinig nang parinig sa kanyang show at nagtayo pa ng party-list. Take note, senador daw ang gusto nito. Kaloka ka! Sarili mo nga, puro kapalpakan sa show, senador pa. Idagdag mo pa riyan si Lito Lapid!

Tama na! Mga wala naman kayong alam sa batas, puwede pa, butas!

At ito pa, si Aga Muhlach na wala raw siyang ambisyon sa pulitika. Pero dahil sa pagpunta-punta niya sa Bicol, at nabulungan lang daw siya ng kaibigan niyang si Camarines Sur Gov. L-Ray Villafuerte, hayun, kahit hindi alam ng aking kababayan na Bicolano pala ito, tatakbo rin daw itong congressman.

‘Eto pa ang isa, si Annabelle Rama, na biglang naloka ang kanyang mga anak dahil nag-alsa-balutan ito at biglang pumunta sa Cebu. Biglang nagulat nga raw ang mga utaw sa Cebu, dahil nagparehistro raw ito na tatakbong congresswoman. Utang na loob! Ang dami talagang ambisyosa!

Isa pa itong si Sharon Cuneta na dati, isinusumpa niya na talagang ayaw niyang pumasok sa pulitika, kahit na ang kanyang ama ay naging mayor ng Pasay, at ang kanyang asawa sa kasalukuyan ay isang senador. Nag-guest lang ang sinasabi niyang idol sa kanyang show na walang kawawaan kundi umiyak-tumawa at hindi pa rin nawawala ang pagbi-babytalk – na puwede kong sabihin na sa San Pablo City na lang siya tumakbo kasi roon bawal ang plastic – hayun, hirit ni Sen. Miriam Defensor Santiago na iiendorso siya, kaloka, parang batang sinabi na, “O, ayan Kiko… kung ikaw ang magsasabi na tumakbo ako, pag-iisipan ko pa. Pero kung ang aking idol, yes na yes!” At halakhak nang walang katapusan na tinanggap niya ang hamon ni Sen. Miriam.

Isa pa ring papalaot na rin sa pulitika, itong si Kris Aquino na medyo mag-uumpisa siya sa mababang puwesto somewhere in Tarlac, bago siya mag-ambisyon sa pagiging presidente para palitan si P-Noy.

At talagang hindi ko matanggap ang pagdeklara ni Alma Moreno na tatakbo rin daw siyang senador. Parang gusto kong itaas ang aking kilay hanggang 50th floor, na kahit sinong doktor ay hindi na ka-yang ibaba, at sumakay sa mga walis na nawawala sa Parañaque nu’ng mayor pa ang asawa niyang si Joey Marquez.

Nagtatanong lang ako, kasi kilala ko itong si Alma. Nasa katinuan pa kaya ng pag-iisip ang babeng ito? Nasa inyo bayan kung ang mga artistang ito ay may mga karapatang tumakbo sa nais nilang takbuhan.

Basta ako, tatakbo rin ako, kasama ko si Vice Ganda… sa Sta. Ana Race Track! ‘Yun na!

 

MAYROON AKONG ii-introduce sa inyo tungkol sa pagpapaganda, at lalo na sa inyong mga kutis – ang Glupa, The Synergy to Complete Skin Care.

Finally, the two most powerful antioxidant and skin whitining agents had come together in one brand. Glupa, a skin whitening and moisturizing product formulated from papaya and glutathion.
Because of so many happy user of Glupa and the increasing demand for whitening products in the market now, Glupa and Adsphil partnered up with Watson’s Personal Care Stores (Phils.) Inc. to distribute the product to wider audience.
Glupa is a product of many years of reseach and testing – based on real experience of women such as its creator Ms. Annaliza (Aiza) Diuco-Soriano, and those who have had problems keeping their skin white after using countless skin-whitening products made from papaya. Ms. Aiza Diuco-Soriano had the inspiration to create Glupa. Using papaya alone is enough to keep your skin whiten. You need to combine papaya with glutathione, which is a natural ingredient to maintain the whiteness of your skin. Combined together this becomes a powerful skin-whitening product with enchanting additional benefits, such as overall feeling of wellness, glowing skin and enhanced sexual prowess, says Ms. Annaliza Duico-Soriano.

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

Related Post

loading...

13 thoughts on “Sangkaterbang showbiz na gustong pumasok sa pulitika, kaloka!

  1. Well, lahat ng Pinoy bsta qualify sa mga requirements na hinihingi ng ating Constitution ay pwedng tumakbo sa kahit na anong government position. You can’t blame them, karapatan nila un kaya huwag sila ang sisihin… Tama ang sinabi ng isang nagcomment d2 na si preciosarosa… dapat ang mga mamayan ang dapat ieducate sa pagboto… kahit sino pang sikat n sikat na artista ang tatakbo sa politika, ang taong bayan parin ang magluloklok sa kanila s a pwesto.. kaya ang taong bayan ang dapat sisihin, hindi ang mga artista, let’s b fair and rational… 
    one more thing, fyi lng pra sa writer na ito, ang Segment na “one for all, all for one” ng EB ay matagal na matagal na..i think bago pa nga ito nag national election eh, nandyan na yan… unfair nmn kasi ky Vic Sotto na sabihin na parang ginagamit nya ang segment na ito pra mangampanya o magpahiwatig na tatakbo sya.. mag.isip ka nmn swarding, hindi ung puro nlng intriga at paninira ang sinusulat mo…
    God bless sa iyo and Merry Christmas.

  2. Hello Clodet, pumasok ka sa maling lungga. Mga artistang gustong pumasok sa pulitika ang pinag-uusapan. Switch channel please.

  3. I’ve never liked Sam & Anne loveteam. Hindi naman sila bagay pero masyadong maPDA. :p Pati yung Piolo & KC…..yuck!
    HINDI NIYO BA ALAM NA BADING PAREHO SI SAM AND PIOLO?
    Samantha and Piola naman kasi pangalan nila sa gabi. LOL!

    Pero naniniwala ako na bading sila pareho. Hello? Wag na kasi kayong magbula-bulagan. Oo, alam ko yung iba diyan may crush sa mga bading na ‘to at willing pa na ipagtanggol sila sa lahat ng nagsasabing bading nga. Sorry na lang sa inyo kasi hindi yan mga tunay na lalaki.
    Isipin niyo nga, ang tanung kang naman dito ay bakit nila hiniwalayan yung mga GF nila? Almost perfect na nga si Anne and KC! Wag niyong sabihin na hindi kasi sila karapatdapat. Ang sabihin niyo, para sa dalawang bading na ‘to, karapatdapat daw sila sa isa’t-isa.

    PIOLO AND SAM, KAHIT NA ANO PANG GAWIN NIYONG PAG DENY, HINDI KAMI TANGA PARA HINDI MALAMAN ANG TOTOO.

  4. i love this article. These politician wanabees deserves this humiliation. Although I agree, Kris Aquino will do good to this country . She maybe maarte but she means well. She is honest and generous. Those who will vote for alma moreno and annabelle rama should get checked for mental instability, Yun lang!

  5. Please mga artistang kumandidato na walang laman ang utak, maaawa naman po kayo sa Pinas please, please, please. Kailangan talaga ng mga matinong tao sa goberno natin, hindi yong kumandidato lang for the wrong reason, kung gusto nyong tumulong sa Pinas, o sigi, ibigay nyo yong mga 30 percent of your income from the movies to the poor, it will not make you poor kasi milyones and kinikita nyo. You don’t need to be in the politics to help the country. Ibigay nyo na lang yon sa talagang may mabuti at may totoong heart.

  6. Huwag sisihin ang mga artista kung mag-ambition sa pulitika. Ang mga me kasalanan eh ang mga botante. Kung wise sila sa pagboto at di gawing popularity contest ang election, walang artista na gugustuhing pumasok sa pulitika dahil alam nilang matatalo lang sila. Educate the voters para gamitin ang utak.Pag nagkaganuon, tingnan mo kung me artista pang mag-ambition sa politics.

  7. nalimutan ko tuloy na- OO nga naman kung wala kang pera eh pano ka magpapatayo ng clinic or magpapa-aral ng iskolar para makatulong sa bayan!

    simple lang ulet- wag ka lang magkalat ng dura, sipon at ihi sa kalye or pader- malakeng tulong na yun; sumunod ka sa batas-trapiko; iligpit mo ng maayos ang basura mo; wag kang mag astang reyna or hari tulad ng mga baretto, napakalakeng tulong na yun!

    o sumali ka sa mga NGO na nagpapakain ng mga mahirap; magbigay ka ng dugo sa red cross (siguraduhin mo lang di ka nagsa-shabu); sumali ka sa mga programa ng barangay (kung meron man) na mga reach-out programs; kung artista ka, gamitin mo ang kaguwapuhan mo, or kamachohan mo or kaseksihan mo para magpa-sponsor sa mga gahamang kapitalista na magbigay tulong sa isang liga, feeding-program, libreng gamot, libreng bigas, libreng tuli, etsetera, etsetera…

  8. @ charlie

    yes and yes and yes pa ulet!

    kakaawa ang bansa naten- di naman masama na artista eh tumakbo nga sa pulitika pero halata mo na yung mga laos na at walang hanap-buhay, pulitika ang option para duon magka-pera…

    kung talagang gusto ng isang artista- laos man o hindi, tumulong sa bayan, NAPAKA-SIMPLE- kung mapera ka, gumawa ka ng foundation na magpapa-aral sa mga batang iskolar; or magpatayo ka ng clinic sa barangay na magbibigay ng liberg consulta or pagamot; or tulungan na lang nila ang isang katerbang kamag-anak nila na walang trabaho!

    isa lang ang mali mong sinabi charlie- hindi tayo babagsak kase matagal na tayong bagsak! itanong mo or tignan mo kung gaano kagahaman ang mga kapitalista tulad ng meralco at iba pa!

  9. Let them run for office kung gusto nila. Mga Pinoy mahilig naman sa artista para ang bansa natin ay bumagsak na. Si Annabelle at Alma dapat magkalaban para mcompare natin kung sino ang mas maganda nung kanilang kapahunan at kung sino ang mas magaling sa kama. Ibalik natin ang mga pelikula nila noon na nagpakita sila ng kanilang “acting” sa kabastusan. Mga pelikulang ginawa nyo at mga pinakita nyo sa taong bayan mahirap mabura sa isip ng tao. Patawarin sana kayo ng Diyos! Mga Bastos.

Leave a Reply

Your email address will not be published.