Sangkap sa Paggawa ng Bomba, Nasabat

NASABAT ANG mga sangkap sa paggawa ng bomba matapos makasagupa ng tropa ng pamahalaan ang umano’y grupo ng Muslim lawless groups na may ugnayan sa mga bandidong Abu Sayyaf sa lungsod ng Zamboanga kamakalawa.

Ayon kay Task Force Zamboanga Commander Col. Buenaventura Pascual, bandang alas-9:45 ng umaga idineploy ang puwersa ng militar at pulisya sa Brgy. Landang Laum sa may tabing-dagat ng lungsod matapos maispatan ang mga armadong kalalakihan na hinihinalang pawang mula sa Pingli group.

Ang Pingli group ay ka-sabwat ng mga bandidong Abu Sayyaf Group sa paglulunsad ng kidnapping for ransom sa lungsod.

Nagkaroon ng ilang minutong putukan bago nagsitakas ang mga bandido na naiwan ang kanilang bangka na may tool box na naglalaman ng mga sangkap pampasabog.

Kabilang sa mga nasamsam na mga kemikal na gamit sa paggawa ng eksplosibo ay ammonium nitrate na nakalagay sa 1.5 liter container, isang electronic tester, 9 volt batteries, circuit boards , mini drill, transistors, capacitors, Light-Emitting Diode (LED) bulbs, soldering iron, soldering lead, diodes at wires.

Sinabi ng opisyal na ang Brgy. Landang Laum ay isa lamang sa apat na barangay sa Sacol Island na ginagamit ng Pingli group sa paglulunsad ng kidnapping at iba pang uri ng karahasan.

Itinurn-over na sa Explosive Ordinance Demoliton Section ng Zamboanga City Police ang mga narekober na sangkap pampasabog para sa kaukulang disposisyon.

(EUNICE  CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.