Sanggol, Pinugutan ng Ulo

KARUMAL-DUMAL NA kamatayan ang sinapit ng isang 7-buwang gulang na sanggol makaraang pugutan ng ulo at itapon sa gilid ng ilog sa Barangay Lambakin sa bayan ng Marilao, Bulacan.

Bandang alas-7 ng umaga nang matagpuan ang duguang katawan ng sanggol na nababalutan ng puting tela na nasa gilid ng ilog sa Nortville 4-A sa naturang barangay.

Samantala, kaagad namang dinala ni Ebot Del Carmen ng Marilao Rescue Action Group ang bangkay ng sanggol sa simbahan upang mabendisyunan ng pari saka inilibing sa pampublikong sementeryo.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.