Sanggol, patay sa suntok ng ama

PATAY ANG isang buwang sanggol pa lamang matapos aksidenteng tamaan ng kamao ng sariling ama sa bayan ng Maayon, Capiz.

Malaking pasa sa mukha at tenga ang natamo ng nasabing sanggol dahil sa malakas na suntok na pinakawalan ng ama na kinilalang si Jerry Asorio para sa live-in partner na si Joyce Dipon, 30, ng Barangay Old Guia, Maayon, Capiz, pero hindi sinasadyang tumama ang suntok sa sanggol.

Base sa salyasay ng live-in partner ng suspek, bago pa ang insidente na naging dahilan ng pagkamatay ng kanilang anak ay madalas itong sinasaktan ni Jerry tuwing malalasing.

Nagkaroon ng mainit na pagtatalo ang mag-asawa at sa galit ay sinuntok at sinakal ng lalaki ang live-in partner kahit na karga nito ang kanilang anak.

Samantala, dahil sa lakas na suntok ay natanggal ang dalawang ngipin ni Joyce na naging dahilan din ng kamatayan ng kanilang anak.

Aniya nang siya ay makatakas bitbit ang sanggol ay humingi siya ng tulong sa mga tao para madala sa pagamutan ang anak ngunit sa daan pa lamang ay binawian na ito ng buhay.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.