Sanggol, Patay sa Samurai ng Ama

INIHAHANDA NA ng mga awtoridad ang kasong parricide laban sa isang ama na pumatay sa kanyang sariling anak na babae na tatlong buwan pa lamang sa Cagayan de Oro City kahapon.

Kinilala ang suspek na si Victoriano Delagon, na residente ng Block 2, Brgy. Puntod, ng nasabing lungsod.

Ayon kay SPO3 Ricky Bagas, ng Macabalan Police Station, batay sa kanilang pagsisiyasat, natutulog sa duyan ang sanggol na si Scarlet Delagon nang lapitan ito ng kanyang ama at biglang pinagsasaksak gamit ang samurai.

Natutulog din umano ang ina ng sanggol na si Christine Delagon nang mangyari ang krimen kung kaya’t hindi niya ito napigilan.

Nang magising si Gng. Christine, kanya na lamang nakita ang anak na naliligo na sa sariling dugo. Si Christine na rin ang humugot sa samurai na nasa dibdib pa ng sanggol.

Mabilis namang nahuli ng mga kinauukulan ang ama na nakapiit na ngayon sa Maharlika Detention Center.

Inamin rin ni Christine na mayroong problema sa pag-iisip ang kanyang asawa.

Nagsimula raw ang mental problem nito matapos hagupitin ng bagyong Sendong ang Cagayan de Oro noong Dec, 16, 2011, kung saan ang kanilang lugar ay isa sa mga barangay sa lungsod na matinding sinalanta ng baha na nagresulta sa pagkasawi ng daan-daang buhay.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.