Sanggol, nilapa ng aso

ISANG 1-YEAR old na bata ang nagmistulang laruan nang lapain ng alagang aso ng kanyang tiyuhin sa Brgy. Navitas, Numancia, Aklan.

Batay sa salaysay ng ina ng sanggol, hindi nila namalayan na pinagla-ruan ng kanyang anak na si Kian Nadua, isang taong gulang at isang buwan, ang alagang aso ng kanyang tiyuhin.

Sa hindi malamang dahilan ay sinagpang umano ng aso ang ulo ng batang lalaki hanggang sa iwinasiwas pa na parang isang laruan.

Nagtamo ng malalim na sugat sa mata at noo ang biktima na agad namang isinugod sa Aklan Provincial Hospital.

Ang naturang bata ay tinurukan na rin ng anti-rabbies vaccine.

Samantala, nabatid naman na mahilig sa aso ang biktima.

Sa ngayon, inoobserbahan pa ng mga doktor ang sanggol at pinayuhan ang ina nito na panatilihing buhay ang aso at obserbahan sa loob ng 14 na araw. (PARAZZI

REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.