Sanggol, Natagpuan sa CR ng Kapitolyo

PALAISIPAN PA rin sa mga empleyado ng Albay Provincial Capitol kung sino ang nag-iwan ng bagong panganak na sanggol sa mismong CR ng kapitolyo.

Base sa report na ipinaabot ni Pol. Sr. Inps. Arthur Gomez ng Albay Police Provincial Office, sinabi nito na bandang alas-4:30 kahapon ng hapon nang maalarma ang mga empleyado sa ka-pitolyo sa bumulagang sanggol sa kanilang harapan.

Sinasabing, isang kahina-hinalang bag ang nakitang nakatago sa loob ng comfort room ng babae.

Sa pag-aakalang bomba, kaya nagtawag na ng mga awtoridad ang mga empleyado.

At nang buksan ang naturang bag, laman ang isang plastic kung saan, isang kapapanganak pa lamang na sanggol ang laman na nababalot pa ng makapal na tuwalya.

Nagawa namang i-revive ng isang nurse sa lugar ang sanggol.

Samantala, nasa kustodiya na ng mga health care personnel sa isang ospital sa lalawigan ang nasabing bata.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.