Sanggol, may 3 paa at 3 kamay

USAP-USAPAN ANG isang babaeng sanggol na isinilang na may tatlong kamay at tatlong paa sa Roxas Memorial Provincial Hospital.

Umagaw ng atensyon sa mga manggagamot, nurses at maging sa pamilya ni Katrina Ordones ng Bang-bang St. Roxas City ang pagsilang nito kay Baby Angelica kung saan nakitang may maliit na kamay at paa na tumubo sa likod nito.

Nagpag-alaman pa na maliban sa irigularidad sa mga bahagi ng katawan ng sanggol, malaki pa ang ulo nito at na-diagnose na may hydrocephalus.

Sinabi pa ng ina ni Mrs. Ordones na hindi ito pinanindigan ng kanyang boyfriend na nakabuntis dito.

Samantala, humingi ng tulong ang ginang upang maisalba ang buhay ng kanyang apo.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.