Sanggol, Itinapon sa Basurahan ng Simbahan

ISANG BAGONG silang na sanggol na babae ang itinapon ng hindi pa nakikilalang ina sa loob ng isang basurahan sa gilid ng simbahan ng Saint John the Baptist Cathedral sa Kalibo, Aklan.

Ayon sa church worker na si May Baniqued, 53, nakapukaw sa kanyang atensiyon ang isang kulay dilaw na bag na inilagay sa basurahan sa gilid ng nasabing simbahan dahil sa nakitang bakas ng dugo.

Nang tingnan niya ang bag ay laking gulat niya nang tumambad sa kanya ang isang sanggol na binalot ng malong kung saan ay nakakabit pa ang umbilical cord. Pinapapak din ng mga langgam ang sanggol.

Agad na ipinaalam sa mga awtoridad ang insidente na nagsagawa naman ng agarang pagsisiyasat.

Dinala ang naturang sanggol sa St. Gabriel Hospital at nakatakdang i-turn-over sa Municipal Social Welfare Development (MSWD) upang mahanapan ng aampon dito.

Pinaghahanap naman ng mga kinauukulan ang inang nag-abandona sa sanggol upang papanagutin sa ginawang kasalanan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.