Sanggol, itinapon ng ina sa bus terminal

HINIHINALANG PATAY NA ang isang bagong silang na sanggol nang iwan ng kanyang sariling ina sa bus terminal sa bayan ng Jaro, Iloilo City.

Ayon sa janitress ng Tagbak Terminal, natagpuan na lamang ang bangkay sa comfort room dakong alas-6 ng umaga kahapon. Inakalang isang basura lamang dahil nakabalot ito sa malaking karton at binalot sa kulay puti at itim na plastik.

Sinabi naman ni SPO1 Nio Allen ng Jaro Police Station, na marami umanong babae ang pumasok sa nasabing palikuran subalit hindi naman naging kahina-hinala ang mga kilos kung kaya mahirap matukoy kung sino ang nagtapon ng sanggol.

Dahil dito, pinagpasyahan na dalhin sa simbahan ang bangkay para mabendisyunan at mabigyan ng disenteng libing.             (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.