Sanggol, isinilid sa kahon ng sapatos

BINAWIAN DIN ng buhay ang sanggol na inabandona ng ina nito makaraang isilid sa kahon ng sapatos kasabay ng pag-iwan nito sa isang establisyimento sa bayan ng Aringay, La Union.

Sinasabing isang sales lady umano ang nakakita sa naturang sanggol na nakalagay sa kahon ng sapatos  at nakasilid sa isang travelling bag.

Una rito, na-confine sa La Union Medical Center sa Agoo, La Union ang sanggol dahil sa premature ito. Sa ngayon, nanatili naman sa kustodiya ng Aringay Municipal Police Station ang ina ng sanggol na si Charlota Balanga,30, may asawa at residente ng Barangay Poblacion sa nabanggit na bayan.

Sa kabilang dako, hindi pa rin mabatid ng mga kinauukulan ang totoong dahilan kung bakit inabandona ng ina ang kanyang sanggol.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.